Si Lunox ay isang mage hero na kilala dahil sa kaniyang malakas na damage. Isa siya sa mga scaling mages sa Mobile Legends: Bang Bang na kaya talagang pumatay ng kalaban sa late game.
Sa kasalukuyang meta, kadalasang ginagamit si Lunox sa gold lane o bilang support. Malinaw ang goal: Pinipili sya para masiguro ang late-game success at bilang pangontra sa mga makukunat na heroes tulad nina Uranus at Baxia.
Sa kasaysayan ng MPL, walang iba kundi ang kasalukuyang head coach ng EVOS Legends na si Bjorn “Zeys” Ong ang gumamit kay Lunox bilang tank sa MPL Season 1 noong nagko-compete pa sya bilang isang pro player.
Mula noon, hindi na nagging meta ang Tank Lunox – hanggang dumating ang MPL ID Season 7.
Biglang nagpakita ang Tank Lunox sa Game 3 ng MPL ID Season 7 upper bracket finals sa pagitan ng EVOS Legends at Bigetron Alpha.
Dahil sa draft ni Zeys, ginamit ni REKT ang Tank Lunox. Kahit na natalo ang EVOS Legends at nalaglag sila sa lower bracket, maraming commentators pa rin ang naniniwala sa kanyang potential.
Bakit gumagana ang Tank Lunox sa Mobile Legends meta?
Naniniwala ang MPL analyst na si Ryan “KB” Batistuta na may lugar ang Tank Lunox sa Mobile Legends meta.
“Lunox makes sense to be a tank because it can do bait, instantly heal, and possesses crowd control and escape abilities. She also does poke damage, which is so annoying,” paliwanag ni KB sa ONE Esports.
“Using the Tenacity tank emblem just to adds to her defense. The mandatory item for tank Lunox is Oracle, which enhances the heal from Starlight Pulse,” sabi ni KB.
Sa ngayon, maraming ibang heroes ang itinuturing na mas bagay sa tank at support roles. Pag-aralan kaya ng mga Mobile Legends players ang Tank Lunox at maging new meta?