Mapait ang sinapit ng EVOS Legends sa kanilang paglalakbay sa MPL ID S10, kung saaan nabigo silang makapasok sa playoffs matapos matalo sa RRQ Hoshi noong Sabado, October 1.

Naging mahirap para sa EVOS ang sunod-sunod nilang pagkatalo sa ikalawang leg ng season. At bilang isa sa mga teams na nasa ibaba ng standings, hindi ito naging madali para sa kanila.

Bilang resulta ng pagkatalo ng EVOS Legends sa RRQ sa ikalawang El Classico ng season, hindi napigilan ng mga EVOS Fams ang maluha. Ganun na lamang ang kanilang panlulumo nang makita ang kanilang paboritong team na hindi makapasok sa playoffs sa unang pagkakataon.

Isa sa kanilang mga batang miyembro na si Tazz ang sumulat ng isang mensahe matapos maranasan ang pagkabigo ng kanyang team. Ngunit sa kabila ng kabiguan, nananatili pa ring nagliliyab ang apoy sa damdamin ng EVOS star.

Paano sinagot ni Tazz ang pagkatalo ng EVOS Legends sa season na ito?


Matapos pumalya ang EVOS Legends na makapasok sa playoffs, determinado si Tazz na maghiganti sa susunod na season

EVOS Legends MPL ID S10
Credit: MPL ID

Pagkatapos ng match laban sa RRQ Hoshi at matanggap ang hindi kaayaayang resulta ng laban, sumulat si Tazz ng isang mensahe sa kanyang Tiktok account upang humingi ng paumanhin para sa kanilang pagkatalo ngayong MPL ID S10.

Gayunpaman, determinado pa rin siya na ibalik ang dating husay ng kanyang team kung bibigyan siya ng isa pang pagkakataon na muling makapasok sa lineup.

EVOS Legends Tazz Tiktok
Credit EVOS Tazz

“Sorry for EVOS fams yes. I’m sorry I haven’t been able to give you the best, I hope I still get a chance next season to make you all happy. I’m sorry for all the tears you guys have shed,”

“I promise you all someday I’ll put back the tears of all of you,” sabi ni Tazz.

Ang season na ito ang kanyang debut kasama ang EVOS. At sa season na ito rin nagpakitang gilas ang lahat nang kalahok, kung kaya’t naging mahirap at mainit ang laban para sa lahat.

Matibay at malakas ang loob ni Tazz. Minsan na itong ibinahagi ng kanyang nobya na si Ash, na nagsabing maganda ang mentality ni Tazz para sa isang professional player.

Ash Tazz
Credit: ONE Esports

“He never complains. In my opinion, he is a person who is not easy to get mentally distracted. Whether he loses or wins, whether he is blasphemed or not, he already has a mental steel,” sabi niya sa ONE Esports.

“I never saw the figure of him in a position of being mentally hit. Since I first knew him when he was still playing in the MDL, he has been a very optimistic and ambitious person,” sabi ni Ash.

Umaasa ang marami na pagkatapos ng pagkatalong ito, muling magbabalik si Tazz sa susunod na season upang mabawi ang korona para sa White Tigers.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.