Update: Nagdesisyon na ang Moonton na i-ban ang lahat ng mga sangkot na manlalaro sa lahat ng opisyal na MLBB tournaments nang hindi bababa sa isang taon.
Tinanggal ang tatlong miyembro ng Team OP, isa sa mga koponang kalahok sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Singapore Season 3.
Ito ay matapos ianunsyo ng Moonton na magsasagawa ito ng imbestigasyon ukol sa isang insidente kung saan ilan sa mga miyembro ng Team OP ay gumawa ng discriminatory remarks sa isang livestream noong Marso 28.
Moonton, iimbestigahan ang dalawang koponan ng MPL SG

Nangyari ang insidente matapos sa isang ranked match sa pagitan ng mga miyembro ng Team OP at Geek Fam MY na bino-broadcast sa livestream ng Geek Fam player na si Nik “Dominus” Aqieff. Makikita ang palitan ng salita bandang ikatlong oras at 35 minuto ng livestream.
Uminit ang tensyon matapos magbitaw ng masasamang kumento tungkol sa relihiyon ang Team OP players na sina Wendall Sean “DarA” Tan, Jackie “PA” Lee, at Goh “Ryeb” Wei En.
Kahit pa sinabi na ng mga miyembro ng Geek Fam na sila ay naka-livestream, humirit pa ng isang remark si Ryeb bago tumahimik ang chat.
Sinusuri ng Moonton ang livestream para sa kanilang imbestigasyon.
“Professionalism and ethical behavior are part of our core principles in shaping healthy competition amongst our players and community,” sulat nila sa isang opisyal na pahayag. “Let’s build a harmonious ecosystem together and develop esports into a platform we can be proud of.”
Apat na miyembro ng Team OP, humingi ng paumanhin sa MLBB community at Geek Fam

Inanunsyo rin ng Team OP na magsasagawa sila ng sariling imbestigasyon at tinapos na rin ang kontrata nina PA, Ryeb, at DarA.
“We deeply regret that some of our players have engaged in unacceptable and inexcusable conduct during a ranked game and have fallen far short of the standards of conduct that we have set for them,” sulat ng organisasyon.
Naglathala rin ng pahayag sa page ng Team OP ang apat na players na sangkot sa insidente. Humingi ang mga ito ng kapatawaran sa komunidad at sa Feek Fam MY dahil sa kanilang mga nasabi noong livestream.
Samantala, nakatakda namang magsisimula ang MPL SG Season 3 sa ikalawa ng Abril.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: