Matapos ang makatlong ulit na 7-8th place finish sa mga nakaraang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Malaysia, binigla ng Team SMG ang mga miron matapos iuwi ang kampyonato ngayong MPL MY Season 8.

Isang malinis na 4-0 sweep ang inihandog ng Team SMG para sa pangahas na kupunan ng Todak para iuwi ang unang korona ng kanilang organisasyon.


Kampanya ng Team SMG sa MPL MY S8 papunta sa Grand Finals

Credit: MPL MY

Maganda ang panimula ng orange tigers sa upper bracket kung saan ibinaba nila ang kalaunan ay grand finalist din na Todak, pati na rin ang top-seed na Orange Esports para makarating sa championship series.

Sa lower bracket naman, hindi nagpapigil ang Todak na mabilis na winalis ang Homebois at Geek Fam. Kontra Orange Esports sa semifinals, magilas ang maniobra ng Todak na kumawala sa 3-2 serye para umangat sa grand finals.

Gayunpaman, hindi inasahan ng Todak ang masasalubong nila sa MPL MY Season 8 grand final kung saan kontralado ng Team SMG ang apat na laro sa championship sweep.

Ang former ONIC Esports Indonesia player na si Lu “SaSa” Khai Bean, na susi sa kampanya ng ONIC sa kampyonato ng MSC 2019, ay malaki ang inambag sa pag-uuwi ng Team SMG ng MPL MY korona.

Kalaunan ay itinanghal si SaSa bilang MVP ng serye matapos ang domiannteng pagpapakita sa serye, tampok ang kaniyang Clint, isang offmeta marksman, sa game 2 na nagpadapa sa kalabang team.

Nakatanggap ng malaking bahagi ng US$100,000 prize pool ang Team SMG sa panalo.


Kinatawan ng Malaysia ang Team SMG para sa M3 World Championship

Credit: Moonton

Magiging representatibo ng Malaysia ang Team SMG sa prestihiyosong  M3 World Championship ngayong Disyembre.

Pangungunahan ng former RRQ Hoshi coach at two-time Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia champion James “Jamesss” Chen ang mga kinatawan sa kanilang tangka na iuwi ang kampyonato ng pinakamalaking MLBB event ng taon.

Samantala, may tiyansa pa rin ang first runner-up na Todak na makabawi dahil sila rin ay lalahok sa nasabing World tournament. Ito ang magiging pangatlong kampanya ng kupunan sa nasabing torneyo.

Ito ay pagsasalin sa sulat ni Jules Elona ng ONE Esports.