Papalapit nang papalapit ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 8 (MPL ID S8) at marami ng fans ang sabik na makita ang maiinit na bakbakang magaganap dito. Maraming kupunan ang nagbabalik kasama ang kanilang dating lineup, habang may ilan ding mga bagong mukha na sasabak sa balagbagang ito.
Maraming nagpapalagay na ang magbubukas na season 8 ay magiging isa sa pinaka-maaksyong MPL season dahil dalawang kupunan dito ang kakatawan sa rehiyon para sa paparating na M3 World Championship.
Heto ang listahan ng mga pro players na babandera ng kanilang teams sa MPL ID S8.
Listahan ng mga teams sa MPL ID S8: Aura Fire

Kahit pa hindi nakapasok sa playoffs noong nakaraang MPL ID Season 7, sorpresa ang pagpapanatili ng Aura Fire sa kanilang roster kabilang ang mga core starting players nito para sa paparating na MPL ID S8.
Maaasahan na ang solidong chemistry nila ang magdadala sa kanila sa pagbubukas ng liga. Makikita kaya natin silang paliyabin ang MPL ID eksena?
Aura Fire MPL ID S8 roster
- Erico “God1va”
- Usep “Facehugger” Satiawan
- Jehuda Jordan “High” Sumual
- Michael Giovanni “Variety” Tjandra
- Regi “Qeira” Marviola
- Tezet
- Kabuki
Alter Ego

Kinapos lamang ang Alter Ego na makuha ang inaasam nilang korona noong hinarap nila ang RRQ Hoshi sa Season 6 grand finals. Sa MPL ID Season 7 naman, iba ang naging ihip ng hangin nang maaga silang napatalsik sa playoffs.
Ngayong babandera na para sa kanila sina Rasya Arga “Rasy” Wisista at Syauki Fauzan “Nino” Sumarno, hindi maikakailang gutom ang Alter Ego para patunayan ang kanilang tunay na lakas papuntang MPL ID S8.
Alter Ego MPL ID S8 roster
- Rasya Arga “Rasy” Wisista
- Ahmad “Ahmad” Abdurrahman
- Julian “LeoMurphy” Murphy
- Ilyas “Caesius” Rahmanda
- Eldin Rahadian “Celiboy” Putra
- William “Yam” W
- Rafly Alvareza “Pie” Sudrajat
- Muhammad “Udil” Julian
- Syauki Fauzan “Nino” Sumarno
Bigetron Alpha

Isa ang Bigetron Alpha sa pinaka-dominanteng kupunan ngayon sa Indonesia. Kinulang man sila sa MPL ID Season 7, ipinakita nila ang kanilang kargada laban sa nakakatakot na EVOS Legends team sa kanilang grand finals matchup.
Sa pagdadagdag ng dating Genflix Aerowolf pro na si Agung “Bottle” Dita kasama pa ng pagpapanatili sa kanolang bigating starting five, kakayanin na kaya ng Bigetron Alpha na nakawin ang tropyeo ngayong season?
Bigetron Alpha MPL ID S8 roster
- Agung “Bottle” Dita
- Great Jabran “Matt” Wiloko
- Muhammad Arif Bin “Rippo” Abdul Halim
- Matthew “Matt” Geraldo
- Deven “Renbo” Markos
- Hengky “Kyy” Gunawan
- Rachmad “Dreams” Wahyudi
EVOS Legends

Marami magtatangka nakawin ang trono ngayong MPL ID S8, ngunit hindi papayagan ng reigning at defending champions EVOS Legends na mangyari ito.
Bagamat wala ang tulong ng beteranong si Ihsan “Luminaire” Besarik sa roster para ngayong season, nagbabalik naman ang magilas na si Muhammad “Wannn” Ridwan matapos ang kaniyang pagpapahinga noong nakraang season.
Bukod kay Wann, babandera rin para sa EVOS tatlong bagong players na sina Vincentsius Ivan “Vaanstrong” Adrianto, Panser, and Rhapsody na siguradong maraming matutunan at maiaambag sa solidong kupunan na ito.
Sinong maghahari sa S8? Siyempre “EVOS! EVOS! EVOS!” ang sigaw ng fans ng White Tigers.
EVOS Legends MPL ID S8 roster
- Perdyansyah “Ferxiic” Kamaruddin
- Muhammad “Wannn” Ridwan
- Maxhill “Antimage” Leonardo
- Vincentsius Ivan “Vaanstrong” Adrianto
- Gustian “REKT”
- Joshua “LJ” Darmansyah
- Hafizhan “Clover” Hidayatullah Mirzaputra
- Panser
- Rhapsody
Geek Fam ID

Hindi pa nakakabalik ang Geek Fam ID sa playoffs simula noong Season 4, pero hindi nito pinipigilan ang paglaban ng kupunan ng buong puso sa bawat season.
At hindi magiging iba ang Season 8 kung saan tatangkain muli ng Geek Fam ID na makapasok sa mainit na playoff contention.
Wala masyadong nagbago sa kanilang lineup liban sa adisyon nina Chiko “Salman” Muhamara at Dilann galing Geek Fam Jr.
Geek Fam ID MPL ID S8 roster
- Chiko “Salman” Muhamara
- Rendy “RenV” Kurniawan
- Valentino Farrell “Babywww” Rustjo
- Muhammad Firza “Frzz” Pahlavi
- Bima “Adam” the True Son
- Dilann
ONIC Esports

Isa pa sa mga dominanteng kupunan sa MPL ID ang ONIC Esports. Gayunpaman ay hindi naging matagumpay ang kanilang biyahe pagdating ng playoffs.
Kahit pa walang masyadong pagbabago sa lineup ng kupunan, kapana-panabik pa rin ang hinaharap ng yellow hedgehog squad.
ONIC Esports MPL ID S8 roster
- Muhammad Satrya “Butss” Sanubari
- Calvin “CW” Winata
- Gilang “Sanz”
- Nicky “Kiboy” Fernando
- Adriand Larsen “Drian” Wong
- Irvan “Maipan” Yusuf
Rebellion Genflix

Rebellion Genflix ang pinakabagong kupunan na babalagbag sa MPL ID S8. Pinalitan nila ang dating Aerowolf noong huling season at nagdagdag ng mga bagong mga mukha sa eksena.
Walang nakakaalam kung ano ang ipapakita ng Rebellion Genflix ngayong season ngunit ang sigurado ay nakatuon ngayon ang kupunan para puntiryahin ang koronang matagal na nilang gustong mapasakamay.
Rebellion Genflix MPL ID S8 roster
- Jlownotow
- Ryuk
- Huba
- Sugar
- Birul
RRQ Hoshi

Maraming ginawang pagbabago ang RRQ Hoshi sa matatapos nang offseason. Masalimuot ang naging simula ng tinaguriang “The King of Kings” na kupunan noong MPL ID Season 7 ngunit napursigi nilang makapasok sa playoffs.
Gayunpaman, mabilis silang pinauwi ng Genflix Aerowolf sa playoffs na humarang sa posible sanang three-peat ng kupunan sa liga. Bagamat nagpapahinga muna si Lemon ngayong season, umaasa pa rin ang RRQ Hoshi na maibalik sa kanilang puder ngayong MPL ID S8 ang nawalang kampyonato.
RRQ Hoshi MPL ID S8 roster
- Albert Neilsen “Alberttt” Iskandar
- Deden “Clay” Mohammed
- Firm Priest “Psycho” Firdaus
- Rivaldi “R7” Fatah
- William “Liam” Setiawan
- Schevenko David “Skylar” Tendean
- Armando “Xinnn” Wowiling
- Calvin “Vynnn”
Siguraduhing nakatutok sa Mobile Legends: Bang Bang’s official MPL ID Season 8 Facebook page para sa mga updates tungkol sa liga at sa mga teams.