Umulan ng samu’t-saring komento mula sa fans sa iba’t-ibang social media platforms kamakailan, kung saan naging matunog ang nangyaring technical issue sa ONIC vs OMG match.

Technical Issue sa ONIC vs OMG Week 5 matchup

Credit: MPL Philippines

Sa Game 3 ng Week 5 Day 1 matchup , iniulat ng ONIC PH ang posibleng bug na nangyare sa kanilang third pick kung saan napili nila ang Bane sa halip na Aulus.

Ayon sa mga balitang umikot sa social media, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga marshals ng bawat kupunan.

Ngunit paglilinaw ng Operations Team ng MPL PH, maagap naman daw ang mga kupunan sa pag-uulat ng posibleng bug sa kani-kanilang marshals. Nagsimula daw ang problema nang hindi nakagawa ng maagap na desisyon ang Head Marshal matapos iulat ito sa kaniya.

Umabot ng hindi bababa sa dalawang oras ang hinintay ng mga fans bago magsimula ang Game 3 ng nasabing serye, kung saan napagdesisyunan na ulitin na lamang ang draft.

Credit: ONIC Philippines

Matapos ang redraft, nasungkit ng ONIC PH ang series win sa tulong ng Aulus sa kamay ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol.


Opisyal na pahayag ng MPL Operations Team tungkol sa technical issue sa ONIC vs OMG

Regarding MPL-PH Week 5 Day 1 Match 1 – ONIC VS OMG:We would like to offer our sincere apologies to both ONIC…

Posted by MPL Philippines on Sunday, September 26, 2021

Inilabas ngayon lamang ang opisyal na pahayag ng MPL Operations team kung saan inilahad nila ang tunay na nangyare tungkol sa nasabing technical issue sa ONIC vs OMG match.

Kasama ng paglilinaw sa mga kaganapan sa Game 3, pakiusap ng grupo na huwag ng magpalaganap pa ng negatibong komento tungkol dito at patuloy na lamang suportahan ang mga kupunan sa kani-kanilang kampanya sa Season 8.

Sinigurado naman ng Operations Team na may mga hakbang na silang ginagawa para hindi na maulit ang ganitong uri ng problema.

“Rest assured that we will do our best to improve MPL-PH with all related parties, active steps including handing out internal punishments will be taken too to ensure such kind of issue won’t happen again.”


Sundan ang pinakahuling balita tungkol sa MPL Philippines Season 8 Regular Season sa pamamagitan ng pag-follow at like sa Facebook page ng ONE Esports PH!