Inaasahang magiging malupit ang 515 M-World event ngayong taon!

Inanunsyo ng Mobile Legends: Bang Bang na ang mga manlalaro ay mayroong tsansa na makuha ng Teen Pop Wanwan Starlight skin nang libre sa unang bahagi ng selebrasyon ng 515 na nagsimula na noong Linggo.


Ang 515 M-World event ang pinakamalaking MLBB celebration ngayong taon

Screenshot ni Amanda Tan/ONE Esports

Ginugunita kada taon mula pa noong 2016, tampok sa 515 celebration ang napakaraming bagong content, exclusive events at mga libreng skin. Ito ang paraan ng Moonton para magpasalamat sa kanilang tapat na manlalaro mula nang ilabas ang laro anim na taon na ang nakakalipas.

Ang 515 event ngayong taon ay tinatawag na M-World, isang anime-themed celebration na naka-set sa hinaharap kung saan ang buhay na buhay ang teknolohiya at humanoids na ang naghahari sa mundo.

Bilang panimula, nag-anunsyo ang Moonton ang isang web browser event. Ang mga sasali sa naturang event ay magkakaroon ng tsansang makakuha ng libreng Teen Pop Wanwan Starlight skin bukod pa sa ibang nakakasabik na gantimpala.


Paano sumali sa 515 M-World browser event para makakuha ng libreng Teen Pop Wanwan Starlight skin

Teen Pop Wanwan Starlight skin
Credit: Moonton

Para makasali sa event, gamitin ang inyong mobile phone at buksan ang event page na maaari niyong ma-access sa pamamagitan ng in-game client o Facebook page ng Mobile Legends.

Kapag nasa page na kayo, kailangan niyong kumpletuhin ang fondness test at “start a trip” minigame para makalikom ng points na pwede niyong ipapalit sa rewards.

Sa fondness level 5, pwede kayong makakuha ng dalawang chest na magbibigay sayo ng tsansang manalo ng libreng Teen Pop Wanwan Starlight skin.

May ibang rewards na maaari niyong kuhain kung mayroon na kayo ng Teen Pop Wanwan Starlight skin.

Nagpahiwatig din ang Moonton ng dalawa pang events para sa dalawang hero, na ilalabas sa ika-8 at ika-14 ng Abril.

Para sa MLBB guides, news at highlights, pwede niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Salin ito ng artikulo ni Jules Elona ng ONE Esports.