Walang binatbat ang mga demonyo at masasamang espiritu sa bagong duo ng Land of Dawn.
Inilabas na ang The Exorcists skins sa Mobile Legends: Bang Bang, at tampok ang dalawang bagong skins” Exorcist Kagura at Exorcist Yu Zhong. Ang tema ay tungkol sa isang alternate, modern world kung saan nabubuhay ang mga tao kasama ang mga espiritwal na nilalang.
Katulad ng mga naunang events, kakailanganin ng mga players na bumili ng diamonds upang makasali sa event. Narito ang lahat nang klailangan mong malaman tungkol sa The Exorcists skin event.
Paano makuha ang The Exorcists skins sa Mobile Legends: Bang Bang
Nagsimula ang event noong October 3 at magtatapos sa November 16.
Paraa ma-access ang event, pindutin ang events tab sa middle left tab ng home page.
Upang makuha ang mga skins, kailangan ng mga players na makakuha ng Sigil of Exorcism at ipalit ito sa skin na nais nila sa event shop. Ang isang Sigil of Exorcism ay makukuha lamang sa pamamagitan ng mga draws, na nagkakahalaga ng diamonds. Ang Exorcist Kagura at Exorcist Yu Zhong ay nagkakahalagang 1200 Sigil of Exorcism bawat isa.
Ang isang draw ay nagkakahalagang 50 diamonds at ang 10 draws ay 450 diamonds. Merong 50 percent off discount isang beses kada araw para sa isang draw, habang may isang permanent prize naman na siguradong makukuha sa unang sampung draws.
| REWARDS | DROP RATE |
| Exclusive rewards | 9.78% |
| 20 Sigil of Exorcism | 5% |
| 15 Sigil of Exorcism | 7.4% |
| 12 Sigil of Exorcism | 28% |
| 10 Sigil of Exorcism | 20.72% |
| 8 Sigil of Exorcism | 20% |
| 5 Sigil of Exorcism | 9.1% |
Iba pang exclusive rewards sa event

Maliban sa skins, makakakuha rin ng exclusive recall, killing notification, spawn, emotes, border, at graffiti sa event. Ang mga rewards na ito ay maaaring makuha sa draw o sa event shop kapalit ng mga Sigil of Exorcism.
| REWARDS | PRICE |
| The Return of the Exorcists (recall) | 300 Sigil of Exorcism |
| The Arrival of the Exorcists (spawn) | 150 Sigil of Exorcism |
| Exorcism of Talisman (elimination) | 150 Sigil of Exorcism |
| Exorcist border | 100 Sigil of Exorcism |
| Yu Zhong or Kagura emote | 32 Sigil of Exorcism |
| Graffiti (7-day) | 5 Sigil of Exorcism |
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.