Ang Thrones Esport ang kakatawan sa Middle East at North Africa region sa M4 World Championship, ito ay matapos ang isang napakahusay na tagumpay laban sa Axe sa Mobile Legends: Bang Bang Profesional League Middle East and North Africa Fall Split 2022 (MPL MENA Fall 2022) grand final.

Ang team, kung saan Egyptian ang bumubuo sa karamihan ng roster, ay nakasiguro ng top spot sa regular season na may 5-2 record. Nagdomina rin sila sa playoffs at naging unang team na nakapasok sa grand final, na ipinanalo nila laban sa ikalawang seed na Axe.

Bagama’t lamang ang Thrones 2-1 sa best-of-five series, mukhang ginanahan ang Axe sa game four at kinailangan na lamang ng isang magandang team fight upang pwersahin ang series papuntang Game 5.

Gayunpaman, ang Thrones Esport ay naging pasensyoso at naging baligtarin ang sitwasyon paglampas sa 20-minute mark, upang kunin ang panalo 3-1.

Paano nakuha ng Thrones Esport ang comeback victory sa game four ng MPL MENA Fall 2022 grand final

MPL MENA Fall 2022 Thrones Esport M4
Credit: Team Occupy

Sa kabila ng pagkawala ng kanilang bottom lane base turret, nasa panig ng Axe ang momentum sa ika-17 minuto ng game, matapos makuha ang Enhanced Lord at 3 kills. Sinubukan nilang agresibong i-push ang tatlong lanes nang sabay-sabay, ngunit nagtagumpay lamang sila sa pagsira ng middle lane base turret.

Sa halip na mag-play safe, nagpasya ang Thrones Esport na sumugal at iposisyon ang kanilang mga sarili sa lord pit nang bumalik ang Axe sa kanilang base upang mag-reset.

Nang sumubok ang Axe na kumuha ng isa pang Lord sa 21-minute mark, nagtago ang Masha, Fanny, at Clint ng Thrones Esport sa likod ng formation ng Axe upang bulagain ang kalaban. Sabay-sabay na sumugod ang tatlo nang magsimula na ang sayaw sa Lord, kung kaya’t napwersa nila ang Axe na umatras pabalik sa base, kung saan napitas nila ang Lapu-Lapu ni Koba.

*

*

Sinubukan ng Axe na bumalik sa Lord pit upang i-contest ang crucial na buff, subalit sinalubong sila ng burst damage mula sa Clint ni Gado. Naitumba ang Barats ni AIZEN at Claude ni 7MDAN, na nagresulta sa walang palag na pagkuha ng Thrones Esport sa buff.

Dumeretso naman naman ang Thrones Esport sa bottom lane kasama ang Enhanced Lord papunta sa crystal upang tapusin ang series.

Bukod sa pagpasok sa M4, makakakuha din ng team ang malaking bahagi ng US$200,000 prize pool.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.