Isa nanamang koponan mula sa MPL Philippines ang gumawa ng pagbabago sa kanilang roster ngayong offseason.

Sa isang post sa Facebook, inanunsyo ng TNC Pro Team ML na sina Dylan “Light” Catipon, Patrick “P-God” Grecia at Douglas “ImbaDeejay” Astibe ay kakalas na mula sa kanilang opisyal na lineup matapos ang MPL PH Season 8.

TNC Pro Team ML nagpasalamat kina Light, P-God at Imbadeejay

Credit: TNC Pro Team ML

Kaalinsabay ng kanilang paglisan mula sa team, nagbigay ng pasasalamat ang TNC sa dati nilang mga miyembro.

“Thank you Light, P-God and Imbadeejay! We’re grateful for the time you spent with TNC. We wish you the best in your future careers! May you remember to always rise!”

Bagamat hindi naging maganda ang resulta ng kanilang Season 8 kampanya, hindi maikakaila ang ipinakitang gilas nina Light at P-God na kasama sa main lineup ng sophomore team.

Swabe gumalaw ang support duo na nagpamalas ng kakaibang sinkronisasyon a skill layering sa lalo na sa mga krusyal na sandali ng kinabilangan nilang mga serye.

Credit: ONE Esports Philippines

Sa kabilang banda, sumandal naman kay Imbadeejay ang koponan na tinulungan niya sa preparasyon at mind-setting. Hindi man nakakita ng aksyon sa nakalipas na season ay malaking bahagi ang beterano sa identity ng TNC Pro Team ML.


Subaybayan ang pinakahuling balita mula sa mga koponan sa MPL sa pamamagitan ng pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines.