Kasabay ng pagiging opisyal ng pagsasanib-pwersa ng Nexplay Esports at international Esports label na EVOS ang pag-usbong ng madaming kuro-kuro tungkol sa posible namang pagpasok ng TNC sa MPL-PH Season 8.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa sikat na PH Esports brand kung papasukin ba talaga nila ang mundo ng MLBB, gayundin kung anong kupunan ang kanilang makakatambal.

Gayunpaman, madaming fans na ang nagpapalagay na maaaring Work Auster Force o Execration ang minamata ng label.

Nakapanayam ng OneEsports ang mga beteranong MPL broadcasters na sina Dan “Leo” Cubangay at Caisam Yvez “Wolf” Nopueto na nagbigay ng kanilang pananaw tungkol sa mga kupunan at sa mga bali-balita na nakapalibot sa mga ito.


Mag-Work out kaya ang TNC at WAF partnership?

Tampok sa madaming MLBB communities sa social media ang bulong-bulungan na Work Auster Force ang makakakuha ng partnership kasama ang TNC.

Bunga ito ng matinding patikim na ilinabas ng MPL-PH Season 7 super rookies sa kanilang Facebook post kung saan nagpahiwatig sila ng logo change na mistulang logo ng sikat na PH brand.

Credit: Work Auster Force Official Facebook Page

Wala pa ring kumpirmasyon galing sa MPL-PH Season 7 standouts kung maisasakatuparan ang haka-haka ng mga miron, o kung magbabalik pa ba sila para sa susunod na season.

Ibinahagi ni Leo sa OneEsports PH na maswerte ang kahit anong label na makakatambal ng Work.

“With first hand experience, having been a part of the Work Auster Force family for a season and change, I can say that the partners who own and run the organization know what they’re doing,” banggit ng dating analyst ng Work.

Dagdag niya, hindi pa man matagal ang karera ng WAF ay mabilis itong nakakasabay sa ibang organisasyon sa MPL. “Much like the MPL team’s rookie run, WAF seems to pick up quick and prove to be a steady player in the esports game – relatively new to it all, but ready for the long run.”


TNC x EXE: Magiging katambal na ba ang karibal?

Matapos ianunsyo ng Execration na pormal na nilang pinakakawalan ang kanilang MLBB team, umiikot sa eksena ngayon ang bali-balitang madaming brands ang interesadong ampunin ang roster ng MSC 2021 grand champions.

https://www.facebook.com/ExecrationGG/photos/a.700719076617531/4176474525708618/

Pangunahin sa mga haka-haka ang TNC at Southeast Asia Esports label na RSG na may kupunan din sa Malaysia at Singapore.

Wala pang kahit anong anunsiyo mula sa parehong Esports brand ngunit banggit ni Wolf, magiging kapana-panabik ang TNC at EXE tambalan kung maisasakatuparan.

“TNC joining MLBB is a pipe dream for me as a fanboy. Especially after Execration’s announcement, my fanboy self would love to see two Dota 2 rivals join forces for MLBB,” ani ng MPL analyst.

Dagdag niya, “TNC’s structure will definitely help MLBB as an Esports scene.”

Gayunpaman, sinabi ng dating analyst ng ONIC PH na maliit ang tiyansa na maakay ng TNC ang EXE. “It’s very unlikely. But you know what they say, the things we don’t expect to happen can happen, and my Esports fanboy heart will surely be happy if the unlikely things happen.”


Siguraduhing naka-follow kayo sa official social media pages ng Execration at Work Auster Force para sa mga opisyal na anunsyo!