Matapos ang dalawang buwang bakbakan, natapos na rin ang MPL MY Season 9. Sa grand final, nagawa ng TODAK na maging kampeon matapos talunin ang Orange Esports sa score na 4-1.

Ito ang ikalawang MPL MY title para sa TODAK matapos paulit-ulit na maipit sa runner-up position.

Ang paglalakbay papuntang grand final ng MPL MY Season 9

TODAK vs Orange Esports
Credit: MPL Malaysia

Hindi naging maganda ang simula ng season para sa TODAK dahil natalo sila sa kanilang unang match laban sa RSG MY. Ngunit unit-unting itinama ni CikuGais ang kanyang mga pagkakamali hanggang sa mahanap niya ang tamang timpla ng laro upang makakuha ng ticket papuntang upper bracket sa playoffs.

Sa kabilang banda, hindi rin basta-basta ang Orange Esports at may ibubuga rin pagdating sa mga tournaments. Muntik nang hindi makapasok sa playoffs, napilitan silang magsimula sa lower bracket. Ngunit ginapang nila ito hanggang sa muling makaharap ang TODAK para sa huli nilang pagtutuos.

Pamamayagpag ng TODAK

TODAK MPL MY Season 9
Credit: MPL Malaysia

Sa pagharap sa isang lineup na nakasentro kay Fanny, hindi naging hadlang ito para sa TODAK salamat sa kanilang Khufra at Hayabusa. Parehas ang draft na inilatag sa kanila sa sumunod na game, at walang pinagkaiba ang naging resulta nito. Lamang ang TODAK 2-0.

Hindi na sila umaasa sa Fanny, ngunit muling nabigo ang Orange Esports at nakuha ng katunggali ang puntos para sa game. Matapos kaharapin ang muntikan nang pagkatalo ay noon lamang pumelo ang tinaguriang dark horse ng laban upang kunin ang kanilang unang panalo sa series.

Sa kasamaang palad, hindi na mapigilan ang momentum ng TODAK. Muling natagpuan ni CikuGais ang kanyang kompyansa sa ikalimang game at siniguradong uuwi sa kanilang mga palad ang tropeyo ng kampeonato ng MPL MY Season 9.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.