Kung mahilig ka sa Mobile Legends: Bang Bang at sa music, siguradong magugustuhan moa ng official music video ng “Together”, ang anthem para sa 515 Eparty ngayong taon.

Ang kauna-unahang virtual music group ng Land of Dawn na S.T.U.N., na kinabibilangan nina Chou, Selena, at Brody, ang nag-perform ng kantang ito.

Ang Together ng S.T.U.N. ay catchy, fun, at di malayong mapasama ito sa Spotify playlist ng maraming fans. At lalong mong magugustuhan ang kanta pag napanood mo ang napakagandang music video nito.

Ang official S.T.U.N. music video ng 515 Eparty

MLBB 515 Eparty 2021 Together S.T.U.N. City
Screenshot by Julian Elona/ONE Esports

Naka-set ang video sa isang tila futuristic city na buhay na buhay at nag-uumapaw sa neon colors.

Mas buhay at mas maganda ito kumpara sa 515 Eparty song ng nakaraang taon na Party Legends, na nagpakita ng slideshow ng mga 515 hero ambassadors.

Together ng S.T.U.N. ang pinakamagandang MLBB music video sa ngayon

Sinimulan ni Chou ang kanta ng rap sa unang dalawang verse. Bilang isang hip-hop fan, solido ang mga bara, at nakaka-excite bawat linya.

Tapos, biglang dumating si Selena para sa pre-chorus. Maikukumpara ang kanyang singing style sa mga mahuhusay na pop artists, tulad ni Dua Lipa at Katy Perry. Ganun sya katindi!

Meron ding ilang verses si Brody sa kanta. Kahit hindi kasing-memorable ng kay Chou, atmospheric pa rin ang mga linya nya. Bagay ang timpla ng malalim nyang boses sa boses nila Chou at Selena.

Kuhang-kuha ng kanta ang vibe ng 515 Eparty para sa taon ng 2021. Napakaganda din ng pagkakagawa ng music video.

https://youtu.be/WW_bjlhHnQI

Ipagdasal natin na magtuloy-tuloy pa ang S.T.U.N. Sana ay  maglabas pa ng maraming kanta ang Moonton, o kahit pa isang album pagkatapos ng event.