Gagawing exciting ng Moonton ang paparating na Mobile Legends: Bang Bang M3 World Championship.

Maari na maging parte ang mga fans sa M3 fever sa pamamagitan ng paglalahok sa Vote for Glory, isang event kung saan pwede kang bumoto para sa paborito mong rehiyon, pro player, key opinion leader (KOL), influencer, o fan club bago magsimula ang M3 World Championship.

Paano bumoto sa Vote for Glory event ng M3 World Championship

May apat na kategorya ang Vote for Glory: rehiyon, KOLs, pro players, at team fan club.

Maari kang bumoto ng ilang beses sa bawat kategorya basta’ kumpletuhin mo ang ibang tasks tulad ng pag-share sa kanilang page sa mga social media platforms.

Maraming rewards ang naghihintay para sa mga players na lalahok sa event. Dagdag pa diyan, laaht ng players na bumoto sa mananalong rehiyon sa dulo ng voting period ay makakatanggap ng espesyal na border.

Vote for Glory event ng MLBB
Credit: Moonton

Ang mga pinakasikat na KOLs sa bawat rehiyon at makakatanggap ng US$2,000 at isang customized battle emote na ilalabas sa May. Sa isang banda naman, ang KOL na may pinakamataas na general votes ay makakatanggap ng US$5,000 at isang espesyal na “M3 Global Hit” title in-game.

Ang pro player na may pinakamaraming boto ay iproproklama bilang “Player’s Choice of M3” at makakatanggap siya ng isang medal sa M3 World Championship.

Ang team fan club naman may pinakamaraming boto ay makakakuha ng “United As One” title at medal. Lahat ng bumoto para sa winning team fan club ay makakatanggap ng isang diamond coupon in-game. 

May tsyansa din manalo ng mga in-game rewards, at isang random Epic skin kung mag-lo-log in ka araw-araw para bumoto sa Vote for Glory webpage.

Paano sumali sa Vote for Glory event ng Mobile Legends

Maari mong buksan ang voting page sa pamamagitang ng pag-log in sa Mobile Legends: Bang BAng client at pag-click ng Vote Your Glory event banner.

I-login ang iyong account at handa ka na! Magkakaroon ka na ng libreng boto para sa bawat kategorya araw-araw na mag-rerefresh araw-araw.

CATEGORY DAILY FREE VOTES 
REGION 
PRO PLAYER 
KOL 
TEAM FAN CLUB 

Maari kang makakuha ng karagdagang boto sa pamamagitan ng pag-login sa webpage araw-araw at pag-bisita sa Mobile Legends: Bang Bang Facebook page.

Magsisimula ang botohan sa November 13 at magtatapos sa November 28.