Kung pag-uusapan ang pinakamagilas na junglers sa Indonesia, hindi mawawala sa listahan si Armando “Xinnn” Wowiling.

At ngayong nakumpirma nang magbabalik ang hypercarry sa puder ng RRQ Hoshi, susubukan niyang tulungan ang kupunan na kuhanin muli ang korona sa paparating na Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia (MPL ID) Season 8.

Ika-pitong miyembro si Xinnn sa roster ng RRQ Hoshi para sa MPL ID S8

Inanunsyo ng kupunan na tinaguriang “The King of Kings” ang balita sa isang video sa kanilang YouTube channel. Ipinakita sa nasabing video ang pagbubukas ng two-time MPL ID winner ng isang sobreng naglalaman ng sulat na umudyok sa kaniyang pagbabalik.

“Let’s go back to where you belong, the throne!” Dito ginawang pormal ng RRQ ang pagkuha nila sa bantog na pro.

Bago ang Season 7, ipinahayag ni Xinnn ang kagustuhan niyang magpahinga muna sa pro play. Sa puntong iyon din nagsimula ang kalbaryo ng kupunan sa kabuuan ng season kung saan nagsimula sila sa 2-2 na record.

Hinimok ni Albert “Alberttt” Iskandar si Xinnn na magbalik sa roster sa unang bahagi ng season, kung saan inalok pa niya ang beterano na halilihan siya sa kaniyang role.

Hindi naging matagumpay si Alberttt dito. Gayunpaman, respetableng 9-5 record ang naitala ng RRQ Hoshi para sa third place finish sa regular season. Hindi lang nagbunga ang kanilang pagsisikap sa playoffs kung saan maaga silang napauwi ng Genflix Aerowolf sa first round.


Dalawa pang players ang hindi pa naaanunsyo ng RRQ

Screenshot ni Jules Elona / ONE Esports

Ang plano ng kupunan sa simula ay kumuha ng anim na pro na sasabak sa MPL ID S8. Kalaunan ay napagdesisyunan ng CEO ng RRQ na si Andrian Pauline na magdagdag ng tatlo pang players dahil sa udyok ng mga miron.

Dahil pang-pito si Xinn sa roster na ito, dalawang players ang natitirang iaanunsyo ng kupunan sa mga paparating na araw.


RRQ Hoshi MPL ID S8 lineup

Credit: MPL ID
  • Albert Neilsen “Alberttt” Iskandar
  • Deden “Clay” Mohammed
  • Firm Priest “Psycho” Firdaus
  • Rivaldi “R7” Fatah
  • William “Liam” Setiawan
  • Schevenko David “Skylar” Tendean
  • Armando “Xinnn” Wowiling