Kamakailan lamang magkasamang inihayag ng Moonton at ng reigning world champions na ECHO na Chou ang hero na mabibigyan ng M4 Champion Skin. Sinundan ito ng pananabik ng mga taga-suporta ng Purple Orcas, partikular na ang mga fans ni Tristan “Yawi” Cabrera na nagpakitang-gilas hawak ang hero para dalhin ang kaniyang pangkat sa tuktok ng mundo ng Mobile Legends.

Credit: MPL Philippines

Sa gitna ng patuloy na pag-aantay ng fans, nagbigay si Yawi ng maikling update ukol sa darating na skin ng kaniyang signature pick.


Yawi sa Chou M4 Champion Skin: ‘Sobrang ganda ng design!’

Pagkaraan pataubin ang BREN Esports para iwang malinis ang kanilang win-loss kartada sa pagtatapos ng Week 1 ng MPL Philippines Season 11, hinarap ni Yawi katuwang ng kaniyang team ang media para sagutin ang ilang katanungan ukol sa serye at sa mga aktibidad ng team.

Credit: MPL Philippines

Lumutang ang tanong ukol sa Chou M4 Skin kung saan nagpahapyaw ang ECHO roamer kung bakit dapat antabayanan ito.

Masayang kuwento ng pro, “Sobrang ganda po ng design!”

Bagamat mayroon nang naunang disenyo para sa skin, hindi pa raw sigurado ang team kung pinal na ito. Kaya naman, mananatili muna raw itong sikreto kaalinsabay ng direksyon ng Moonton ukol dito.

Credit: ONE Esports

Sa huli, mahalagang milestone daw ito hindi lang para kay Yawi kundi para din sa team. ‘Pag wala na po kami sa ML, maalala po nila [fans] kame.”

I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: ML Basic Build sa Chou: Madaling Item Build at Guide sa Roam Chou (Pos 5)