Isa na namang dominating win ang nakuha ng Nexplay Evos sa Week 3 Day 2 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 8 nang talunin nila ang Echo Philippines sa score na 2-0.

Mula sa map control, team fights, at objectives, kitang kita ang kalamangan ng Nexplay Evos. Ang series na ito ay patunay ng pagbabago sa kanilang team structure, at talaga namang napaka effective nito. Masasabing napakaganda ng form ng Nexplay Evos sa takbo ng kasalukuyang MPL season na makikita rin sa mga nagdaang laban nila.

MLBB MPLPHSeason8 Week3 NXPEvos Yawi
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Sa post-game interview, tinanong ang Nexplay Evos tank na si Tristan “Yawi” Cabrera tungkol sa dahilan ng biglaan at kapansin-pansing paglakas ng kanilang team. “Siguro po yung mga sakripisyo po namin, pag-practice, pag-scrim,” sabi ni Yawi. “Sobrang focus po talaga namin kahit natatalo, may natututunan po kami. Tapos tiwala po kami sa isa’t isa. At disiplina po talaga.”

Nang tanungin tungkol sa mga sakripisyong pinagdaanan ng kanilang team, magalang na ibinahagi ni Yawi ang kanilang araw-araw na routine.

“Kami po nila H2, kelangan po namin mag-live. Pero hindi po kami nakakapag-live, nagpa-practice lang po kami. Minsan, buong araw na scrim, hindi na kami nakakapag-live. Yung day-off namin, imbis na day-off, yun yung araw na nagla-live kami. Kaya parang wala rin kaming pahinga.”

Susunod na makakalaban ng Nexplay Evos ang M2 World champions na Bren Esports sa September 19.

Mapapanood ang mga matches sa official MPL Philippines Facebook page.