Ang sixth man ng Execration na si Z4pnu ay puro puri ang ibinigay sa superstar duo ng Blacklist International na sina OhMyV33NUS at Wise, dahil sa sa bagong meta na nakuha niya galing sa dalawa.

Sa latest episode ng MPL Chillax, ang mga iconic MPL PH Season 7 duos na sina Hadjizy at KurTzy ng Omega Esports, OhMyV33NUS at Wise ng Blacklist International, Zp4nu at Ch4knu ng Execration at Kelra at Kielvj ay inimbita para pagusapan ang laro.

Puro ngiti si Z4pnu noong siya ay pinakilala at sinabing masaya siya dahil inimbita siya sa show kasama ang Blacklist duo.

“If there is someone I idolize playing Estes in rank, it’s the V33wise duo,” sabi ni Z4pnu.

Noong tinanong ng host na si Mara Aquino kung bakit isang big fan si Zp4nu ng OhMyV33NUS at Wise na duo, sinabi niya ito ay dahil sila ang nagpakilala sa kaniya ng bagong meta na ginagamit sa kasalukuyang MPL season. Ang tinutukoy niya ay ang paglabas ng Nice One, Baby strategy.

Sikat si OhMyV33NUS at Wise sa kanilang paggamit ng utility supports gaya ng Estes sa kanilang competitive play kahit sa seasons four at five noong ang mga full damage mage heroes pa ang mas gustong gamitin sa meta.

Sabi ni OhMyV33NUS na masaya siya dahil mas maraming tao na ang nakakaintindi kung gaano kalakas ang kanilang meta hindi lang sa ranked play, kundi sa competitive play na rin.

“I feel so proud that they now recognize our meta that many people say we popularized,” sabi niya.

Panoorin ang buong video dito:

https://www.youtube.com/watch?v=exVQAN5c9JQ