Maligamgam ang naging kampanya ng Indonesian MLBB National Team sa 32nd Southeast Asian Games, isang kalunos-lunos na resulta para sa koponang pinalagay na lalaban para sa gold medal match ng torneo.

Bigo ang Indonesians na makarating sa playoffs matapos ang malagim na 0-2 tala sa group stage.

Sa panayam kasama ang Esports.ID, inihayag ng head coach ng national team na si Bjorn “Zeys” Ong  na may may ilang kadahilanan kung bakit ganito na lamang ang naging performance ng kaniyang hanay sa nasabing MLBB event.

Credit: Moonton

Aniya, “There are many factors. You could say we weren’t strong enough, there were lots of blunders and many other things. Lose, lose.”

Bukod dito, isa pang nakita niyang rason sa malagim na resulta ng team ay ang kakapusan ng oras sa paghahanda.  “When MPL ID S11 was still running, it was really hard for us to practice,” kuwento ni Zeys.


Sabayang schedule ng MPL at preparasyon para sa SEAG malaking hadlang daw ayon kay Coach Zeys

“The thing that I regret the most is that staying in the MPL phase really affected me,” banggit ni Coach Zeys. “When MPL was running, I actually got to join the team of players I chose. So that more time. Not only train them here, but also when they compete in MPL.”

Credit: MPL Indonesia

Isa sa mga naging tanong ng mga miron ay kung bakit hindi inikot ni Zeys ang lineup lalo pa’t may tatlong roamers ang national team. Sa gumulong na kampanya ng team sa SEAG, si DreamS lamang ang ipinasok ng coach bagamat maabilidad din naman ang mga kapalitan niyang sina Nicky “Kiboy” Fernando at Calvin “Vynnn”.

Ngunit ayon kay Zeys, konsesus daw ito ng coaching staff ng team.

Credit: ONE Esports

“The three of us coaches have discussed (regarding the composition of the roster for each match),”aniya. “If one day the roamers play, it means there is no need to change, for their respect as well.”

Tiniyak din niya na maraming natutunan ang mga miyembro ng team at siguradong magpapakitang-gilas sa susunod na salang nila sa MSC 2023.

“We will try to improve,” dugtong niya. “We will try to be better.”

Hango ito sa sulat ni Redzi Arya Pratama ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Indonesian MLBB team may mga natutunan sa kanilang match laban sa Cambodia sa 32nd SEA Games