Tila masaya pa si EVOS Legends coach at M1 world champion mentor Bjorn “Zeys” Ong sa nalalapit na pagsasara ng streaming platform na Nimo TV – Games sa Indonesia.

Kamakailan ay inanunsyo ng Nimo TV na ititigil na nila ang kanilang operasyon sa dulo ng Abril 2022 matapos ang mahigit tatlong taon na pagsisilbi bilang tahanan ng sikat na Indonesian streamers at esports pros upang makipag-interact sa kanilang fans.

‘Di maikakaila na malaki ang kinikita ng Nimo TV streamers. Ang live streaming ang pangunahing trabaho ng karamihan sa esports talents at pangalawa naman para sa pro players.

At dahil mas malaki ang kinikita sa pag-i-stream kaysa sa sweldo ng professional players, siniseryoso na nila ang streaming kaya naman naapektuhan ang kanilang pro career at performance.


Masaya si Zeys sa pagsasara ng Nimo TV

Credit: ONE Esports

Alam ng karamihan na may isyu si EVOS Legends coach Zeys pagdating sa kanyang mga manlalaro na masyadong pinapahalagahan ang streaming kaysa sa kanilang performance sa MPL Indonesia. At ang anim na mainstays ng EVOS na sina REKT, Wann, Luminaire, Antimae, Clover at Ferxiic ay mga sikat na streamer sa Nimo TV.

Kaya naman kahit na ang lahat ay malungkot at concerned matapos ang anunsyo ng Nimo, si Zeys ay mukhang nasiyahan pa sa balita.

“Akhirnya gua seneng banget (Sa wakas, sobrang saya ko),” saad ng 28-year-old Mobile Legends tactician sa isang IG story ilang sandali bago ang anunsyo ng Nimo.

IG story ni Zeys
Credit: Zeys Instagram account

At matapos ang anunsyo, sinabi niya na hindi na mahahati ang priorities ng mga pro players sa pamamagitan ng isang pasaring na IG story.

“Goodbye, main job: streamer (contreng), side job: pro player (cross),” ika niya.

Credit: Zeys Instagram account

Hindi pa huminto ang Singaporean mentor sa pag-post ng Instagram stories at inilabas din ang kanyang opinyon sa isang livestream kasama sina DeanKT at girlfriend nito na si Nastasia Adeline.

Sinabi niya rito na wala na siyang maririnig na players na hindi sila makakapag-practice dahil kailangan nilang mag-stream. At hindi na rin siya makakarinig ng manlalaro na sasabihin na kapag hindi sila nakakuha ng streaming contract ay hindi sila maglalaro.


Hango ito sa artikulo mula sa ONE Esports Indonesia.