Ang akdang ito ay hatid sa inyo ng foodpanda.

Tingin niyo ba ay kayo ang pinakamagaling na PUBG Mobile squad sa Southeast Asia? Patunayan niyo ito sa pamamagitan ng pagsali sa pandapro SEA Cup na hatid sa inyo ng foodpanda kung saan maaari kayong makakuha ng parte sa US$3,500 prize pool.

Ano ang pandapro SEA Cup?

Ang pandapro SEA Cup ay isang torneo kung saan magkakaroon ng tsansa ang PUBG Mobile fans na makalaro tulad ng mga pro sa pamamagitan ng pakikipagtagisan laban sa mga amateur at pro teams sa rehiyon. Ii-stream ito ng mga pro casters simula sa semifinals.

Bukas ang pandapro SEA Cup sa lahat ng PUBG Mobile gamers sa Pilipinas, Malaysia, Thailand at Singapore.

pandapro SEA Cup Format

Ang kompetisyon ay hahatiin sa tatlong bahagi:

Qualifiers

November 1 – 4 at November 8 – 11

Hanggang 256 teams ang pwedeng makapasok sa unang bahagi. Hahatiin ang mga kalahok sa 16 groups na binubuo ng 16 teams. Maglalaro sila gamit ang 16-squad battle royale format at ang top two mula sa bawat grupo ay aabante sa semifinals.

Magkakaroon ng dalawang qualifying rounds. Ang una ay gaganapin mula sa unang araw ng Nobyembre hanggang sa ikaapat at ang susunod naman ay nakatakda sa ikawalo hanggang ika-11.

Semifinals

November 14 – 15

Para sa semifinals, ang natitirang 32 teams ay magsasagupaan sa dalawang 16-squad battle royale. Ang top three sa bawat grupo ay papasok sa finals.

Finals

November 18 – 21

Para sa final round, ang natitirang anim na koponan mula sa semis ay kakalabanin ang mga imbitadong pro teams para sa titulo sa pandapro SEA Cup at grand prize na US$2,000.

Prize Money

  • First place – US$2,000
  • Second place – US$1,000
  • Third place – US$500

Saan mapapanood ang pandapro SEA Cup?

Ang semifinals at finals ng torneo ay ii-stream sa English at Thai na mapapanood sa Facebook pages nila SirCloud at Ffame. Si SirCloud ang mag-i-stream at cast sa English habang si Ffame naman ang magho-host ng Thai stream at magka-cast kasama ni Zaffer.

Lahat ng laro ay magsisimula nang ika-walo ng gabi sa Pilipinas, Malaysia at Singapore, at ika-siyam naman sa Thailand.

Paano mag-sign up sa pandapro SEA Cup?

Maaari kayong mag-sign up sa opisyal na website ng pandapro SEA Cup. Libre ang registration at bukas ito hanggang sa araw ng qualifying round. Tandaan na 256 slots lang ang nakalaan kaya siguraduhing mag-sign up nang maaga. Kapag napunan na ang lahat ng slots, magsasara na ang registration. Kailangan ng mga manlalaro na i-set up ang Nicecactus profile para makapasok.

Tingin mo ba ay kaya mong maglaro gaya ng pro? Mag-sign up na!

Ano ang pandapro?

Ang pandapro ang subscription service ng foodpanda na bibigyan ka ng magagandang perks tulad ng free delivery, exclusive discounts at monthly vouchers.