Ang sulat na ito ay hatid sa inyo ng foodpanda.

Sa tingin niyo ba ay kayo ang pinakamagaling na PUBG Mobile squad sa Southeast Asia? Puwes, patunayan niyo ang inyong galing sa pandapro SEA Cup hatid ng foodpanda, at iuwi ang malaking bahagi ng US$3,500 o PHP 175,000 na prize pool!

Ano ang pandapro SEA Cup?

Ang pandapro SEA cup ay isang torneyo para sa PUBG Mobile fans na nais masukat ang kanilang galing laban sa pinakamalalakas na amateur at pro teams sa rehiyon.

Bukod dito, ang mga kupunang lalaban simula Semi Finals ay makakasama sa stream na katatampukan ng mga pro casters!

Bukas ang patimpalak sa mga PUBG Mobile gamers sa Pilipinas, Malaysia, Thailand at Singapore.


Format ng pandapro SEA Cup

Bubuuin ng tatlong stages ang tournament:

Qualifiers

November 1 – 4 and November 8 – 11

Hanggang 256 na koponan ang maglalaban-laban sa unang stage kung saan igrugrupo ang mga kupunan sa 16 groups. Dito magbabakbakan ang mga kupunan sa 16-squad battle royale format, at ang dalawang top teams ng bawat grupo ang aabante sa Semi Finals.

Magkakaroon ng dalawang tiyansa na maka-qualify. Gugulong ang first stage sa November 1 hanggang 4, at isa pa sa November 8 hanggang 11.

Semi Finals 

November 14 – 15

Para sa Semi Finals, ang natitirang 32 teams ang maglalaban-laban sa dalawang 16-squad battle royales. Ang top three teams mula sa bawat grupo naman ang magtatapat sa Finals.

Finals

November 18 – 21

At sa Final round, ang huling anim na squad mula sa Semi Finals ay haharap sa mga imbitadong pro teams para sa pandapro SEA cup title at grand prize na US$2,000.

Prize Money

  • First place – US$2,000
  • Second place – US$1,000
  • Third place – US$500

Paano manood ng pandapro SEA Cup?

Ang Semi Finals at Final stages ng torneyo ay maii-stream sa English at Thai at mapapanood sa Facebook pages ni SirCloud at Ffame. Si SirCloud ang magsasalaysay para sa English cast, habang si  Ffame naman ang maghohost ng Thai stream kasama si Zaffer.

Lahat ng mga games ay magsisimula ng 8 p.m. sa Pilipinas, Malaysia, Singapore habang 9 p.m naman ito mapapanood sa Thailand.


Paano mag-sign up para sa pandapro SEA Cup?

Maaaring mag-sign up sa official pandapro SEA cup website. Libre ang registration anito at mananatiling bukas hanggang qualifying day kung saan pupunuin ang 256 slots. Pagkatapos mapuno ang mga slots, isasarado na ang registration nito. Kinakailangan ding mag-setup ng Nicecactus profile ng sinumang lalahok.

Ano ang pandapro?

Ang pandapro ay ang foodpanda subscription service na nagbubukas ng maraming perks tulad ng libreng delivery, eksklusibong mga diskwentro at monthly vouchers.