Sulit para sa mga fans ang dalawang oras na battle royale gameplay tampok ang sikat na KPop Girl Group sa kanilang Blackpink PUBG livestream.
Tampok sa Douyu live sina Jennie at Jisoo na nag-head to head sa PUBG Battlegrounds kasama ang kani-kanilang katambalan na sina PUBG streamer DDDD at Waking Up (깨어난).

Heto ang 3 best highlihgts mula sa Blackpink PUBG livestream
3. Todo cheer sina Lisa at Rosé kina Jisoo at Jennie
Katulad ng kanilang PUBG Mobile Funmatch setup, masiglang nanood mula sa spectator seats sina Lisa at Rosé sa labanan sa pagitan ng mga teams nina Jisso at Jennie.
Todo ang suporta nina Lisa at Rosé sa kanilang mga unnies tampok ang kanilang kakatuwang “fighting!” chants. Masigasig nilang pinanood ang dalawang rounds ng PUBG Battlegrounds na sinamahan pa nila ng mga malaman na mga komentaryo sa pagitan ng mga matches.
2. Nagpakitang-gilas si Jennie sa clutch
Bida rin sa nasabing Blackpink PUBG livestream ang competitive side ni Jennie.
Napanood ng mga Blinks ang main rapper ng grupo na mag-rush sa Playzone circle bago pa man tuluyang mawalan ng HP. Maaaring mapanood ang POV ni Jennie sa PUBG highlight dito.
Ilang sandal lamang pagkatapos ang clutch move na ito, nanalo ang team ni Jennie sa game two.
3. Sumayaw sa indak ng DDU-DU DDU-DU si Jisoo at ang kaniyang mga teammates gamit ang PUBG Emotes
Kilala si Jisoo bilang ang pinaka quirky at spontaneous sa grupo at ito rin ang nakita ng mga nanood sa Blackpink PUBG livestream.
Sa Game one, ginamit ng kupunan ni Jisso ang bagong Blackpink PUBG emotes para sumayaw sa DDU-DU DDU-DU. Nag-ingles pa nga ang main visual ng grupo at inanyayahan ang kaniyang team na magsayaw sa gitna ng labanan.
Sa highlight na ito, makikita na nag-eenjoy si Joss kasama ang kaniyang mga fans. Nabigla naman ang mga fans nang magbiro si Jisso at sinabing “Kill Jennie, please!”
Parte ang Blackpink PUBG livestream ng collaboration ng battle royale game sa KPop girl group kung saan magkakaroon ang mga fans na makuha ang mga special Blackpink in-game items, skins, emotes at mga bundles.
Hango ito sa istorya ni Kristine Tuting.