Kung ikaw ay isang fan ng Godzilla vs Kong na pelikula, tiyak na magugustuhan mo ang pinakaunang Player vs Environment (PvE) game mode ng PUBG Mobile na ang tawag ay Titans: Last Stand.

Ang Titans: Last Stand ang pinakabaong chapter sa Godzilla vs Kong universe

Credit: PUBG Mobile

Ang bagong game mode na ito ay parte ng serye ng in-game PUBG Mobile events na nagtatampok ng mga elemento ng science-fiction movie na Godzilla vs Kong.

Ang Titans: Last Stand game mode ay base sa 2021 Godzilla vs Kong na pelikula, kung saan inatasan ang mga players na hanapin si Godzilla at Kong para malabanan ang isa pang titan na ang tawag ay Mechagodzilla.

Dapat mag-team up ang mga players kay Godzilla at King Kong para sirain ang machine monster. Depende sa points na maiipon mo sa game mode, makakatanggap ka ng mga gantimpala tulad ng Battle Pass, isang parachute skin, at iba pa.

Ang Titans: Last Stand mode ay malalaro lamang hanggang sa June 8. 

Ang kolaborasyon ng Godzillla vs Kong ng PUBG Mobile 

Ang Titans: Last Stand ang pangalawang game mode na nilabas sa ilalim ng kolaborasyong ito. Dati nang naglabas ang PUBG Mobile ng Titan Strikes game mode kung saan ang mga titans na sina King Kong, Godzilla, at Mechagodzilla ay lalabas sa Sanhok, Erangel, at Livik na mapa.

Ang tatlong higanteng creatures na ito ay hindi naman naka-damage ng mga players ngunit nagiwan sila ng mga crystals na maaring magamit para makapag-power up ang mga players sa laro.