Maging clutch chicken dinners man o matinding mga collaborations, alam na alam ng PUBG Mobile kung paano maghatid ng action-packed content sa kaniyang tapat na playerbase.

Para regaluhan ang kanilang players dahil sa kanilang walang-sawang efforts sa Erangel, naglalabas paminsan-minsan ang PUBG ng mga redemption codes na katumbas ng mga in-game goodies.

Saan makukuha ang PUBG Mobile redemption codes

Bagamat mukhang simple lang makakuha at maka-redeem ng codes, may tsyansa na hindi mo pa nararanasan ang mga bihira at espesyal na giveaways na ito.

Ang kompetitive na season ang perpektong lugar para mahanap ang mga codes na ito. Sa mga events tulad ng PMPL ID, nagpapakita ang mga tournament organizers ng mga redemption codes sa official stream para ma-claim mo nang libre.

Step-by-step guide kung paano mag-redeem ng codes sa PUBG Mobile 

Screenshot ni Joseph Asuncion/ONE Esports

Ito ang isang detalyadong gabay kung paano makapag-redeem ng codes para sa PUBG Mobile.

  1. I-access ang PUBG Mobile redemption center sitepage dito
  2. Sagutan ang tatlong columns ng Character ID, Redemption Code, at Verification Code. 
  3. Mahahanap mo ang iyong Character ID pagka-click mo ng iyong in-game profile photo. 
  4. Ilagay ang iyong redeem code sa Redemption Code column. 
  5. Ilagay ang mga numero na nakikita sa tabing box sa Verification Code column. Kung nag-error ito matapos mo ilagay ang mga numero, I-refresh ito sa pamamagitan ng pag-click ng button sa tabi ng box. 
  6. Click “Redeem”. 
  7. I-check ang iyong in-game Mail para ma-claim ang code prize. 

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa mga balita at higlights tungkol sa PUBG Mobile.