Inihayag na ng Capcom ang kanilang huling DLC character para sa Street Fighter V: Season V na si Luke. Sya ay isang bagong character sa Street Fighter franchise na unang lalabas sa SFV.

Ang anunsyo ay naganap sa SFV Summer Update 2021 ng Capcom, kung saan ibinahagi ng game developer ang official release dates nina Oro at Akira, kasama ng bagong Tournament Mode.


Sino si Luke at ano ang kanyang mga special moves?

Makikita sa disenyo ni Luke na isa syang modern-day American fighter na may mixed martial arts gloves, knee sleeves, at combat shorts.

Meron syang projectile at dragon punch, dalawa sa mga staple moves sa Street Fighter. Meron ding cartwheel heel kick si Luke na tumatama overhead.

SFV LukeVTrigger
Credit: Capcom (SFV Summer Update 2021)
Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Mas maraming attack options ang bagong character ng Street Fighter V pag ginamit nya ang kanyang V-Trigger. Kapag na-activate ito, nagkakaroon ng charge ang kanyang mga braso na nagpapalakas ng kanyang special attacks.

Credit: Capcom (SFV Summer Update 2021)
Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Dahil sa power-up na ito, nagagawa nyang i-extend ang kanyang mga combos sa pag-launch ng mga kalaban saere gamit ang kanyang mga uppercuts o i-bounce sila sa corner ng stage sa pamamagitan ng kanyang standing charge punches.

SFV LukeProjectile
Credit: Capcom (SFV Summer Update 2021)
Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Ipinakita rin ng Capcom na tumagos ang kanyang projectile ex-fireball sa Hadouken ni Ryu, na sinundan ng atake na mukhang V-Trigger special.


Kailan ang release date ni Luke sa SFV?

SFV Luke Announcement SFVSummerUpdate2021
Credit: Capcom

Ayon sa Street Fighter V producer na si Shuhei Matsumoto, “he will be released this November.”

Sina Oro, Akira, at ang bagong Tournament Mode ng SFV ay magiging available sa August 16, sa susunod na update ng Season V DLC.


Nagpahaging ang Capcom tungkol sa mga susunod na mangyayari sa Street Fighter franchise

Ang Street Fighter V ay puno ng mga fighters mula sa mga naunang versions ng franchise, kasama ang mga characters na galing sa iba pang Capcom games.

Sa pag-anunsyo ng bagong character, ibinahagi ni Street Fighter V Director Takayuki Nakayama na “Luke will give us a glimpse of the future.”

Madadagdag si Luke sa hanay nina Ed, Falke, F.A.N.G, G, Kage, Laura, Necalli, at Rashid bilang mga characters na unang lumabas sa Street Fighter V.