Nagkampeon sa Red Bull Kumite London 2021 si Nathan “Mister Crimson” Massol gamit ang kanyang Dhalsim, ang character na hindi nanalo ng kahit isang Capcom Pro Tour event nung nakaraang taon.

Sinimulan ng beteranong French player ang kaniyang championship run sa pagtalo kina Amarjyot “Bolstrike” Sangha at dating Capcom Cup 2018 2018 champion na si Kanamori “Gachikun” Tsunehiro. Ang dalawang panalo na ito ang nagbigay sa kanya ng spot sa Playoffs, kung saan nakaharap nya ang tourtnament favorite at bago nyang overseas rival na si Victor “Punk” Woodley.

Ang paglalakbay ni Mister Crimson patungo sa Final

May trash talk na nanggaling kay Punk patungkol kay Mister Crimson bago magsimula ang kanilang Quarterfinals match, ayon sa Street Fighter V commentator at personality na si Femi “F-Word” Adeboye. Nanalo ang French SFV star at nag-pop off sya kay Punk pagkatapos, umusad sya sa tournament para labanan ang kanyang kababayan na si Olivier “Luffy” Hay sa Semifinals

Ang evasive playstyle ni Mister Crimson ang naging lamang nya laban sa R-Mika ni Luffy. Ito ang nagtulak sa kanya papunta sa Final kung saan hinarap nya ang Capcom Cup 2019 champion na si Derek “iDom” Ruffin.

Ang panalo ni Mister Crimson sa isang matinding match laban kay iDom

Simula pa lang ng match, gamit na gamit ng dalawa ang bagong V-Shift mechanic ng Street Fighter V: Champion Edition. Subalit mas mahusay ang pagkakagamit ni Mister Crimson dito, kaya’t nakapaglagay sya ng distansya sa pagitan ng kanyang Dhalsim at Laura ni iDom.

Dalubhasa si Mister Crimson sa paggamit ng distansya, kaya tinatamaan nya si iDom mula sa iba’t ibang direksyon gamit ang mga air attacks at Yoga teleport ni Dhalsim para bumawas ng malaki.

Pumalag ang Capcom Pro Tour 2019 champion at unang nakaabot sa tournament point. Dahil dito, nagpalit ng playstyle ang huling representative ng Europe para umatake, na nagdala ng pressure kay iDom sa malapitang laban.

Sa pagdating ng huling round ng tournament, sinubukan ni iDom na magbigay ng pressure gamit ang kanyang Laura. Pero kinontra ito ni Mister Crimson sa pamamagitan ng kanyang V-Reversal. Dahil dito, nagamit nya ang neutral game ni Dhalsim para i-punish ang mga pagkakamali ni iDom.

Sa kaniyang first place finish sa Red Bull Kumite London 2021, nanalo si Mister Crimson ng AS Monaco ng US$7,900, kasama ang bragging rights bilang kampeon ng kauna-unahang Street Fighter V: Champion Edition competition ng 2021.

Paano mag-improve sa SFV ayon kay Mister Crimson

Matapos ang nakakabilib nyang panalo, may mga ibinahaging payo si Mister Crimson para sa mga players na nais gumaling at mag-improve sa larong ito. “Watch your losses. I know it’s hard. I know it’s painful. But, this is the most optimal way to grow up. So, watch your losses, and don’t be afraid to change your gameplay if you can.”

Ipinaliwanag ni iDom ang meta shift sa SFV

Ang Red Bull Kumite London 2021 runner-up na si iDom ay nagbahagi ng kanyang palagay sa bagong V-Shift mechanic ng Street Fighter V: Champion Edition Season V. “I hate it, by the way. The new mechanic is very interesting and adds a deeper dive to the game. V-Shift is great for characters like Dhalsim and Poison. But for us hard-working footsies masters characters like R-Mika and Laura, we’re working too hard out here.”