Kinuha ni PBE Don ang kampeonato ng Street Fighter V: Champion Edition sa na REV Major Lockdown.

Sa katatapos lang na REV Major Lockdown, ipinakita ni Donald “PBE Don” Gimperoso ng PlayBook Esports ang kanyang kakaibang displina sa Street Fighter V upang tanghaling kampeon ng pinakamalaking online fighting game event ng bansa.

Street Fighter PBE Don
Credit: REV Major

PBE Don vs PBE Dr. Jimmy sa Winners Finals

Sa laban kung saan pagdedesisyunan kung sino ang makakapasok sa Grand Finals na may twice-to-beat advantage, nakaharap ni Don ang kanyang teammate na isang batikang pro player, commentator, at kapwa Cebuano na si Arthur James “Dr. Jimmy” Malgapo.

Umabot sa final-final round ng Winners Finals ang pagtutuos ng dalawang players ng PlayBook Esports. Tinapos ni Akuma ni Don ang laban sa pamamagitan ng isang throw upang pabagsakin ang Laura ni Dr. Jimmy upang umabante sa winner’s side ng Grand Finals.

PBE Don vs Damskie sa Grand Finals

Kakaibang kaba naman ang dala ng Grand Finals match sa pagitan nina PBE Don at Adam “Damskie” Anggahan. Ipinakita ni Damskie ang bangis ng kanyang Kage na naglaglag sa mga teammates ni Don na sina Dr. Jimmy at James “Jamse” Prado sa losers bracket.

Nagawa ni Damskie na ma-reset ang bracket sa score na 3-2 na mas lalong nagpataas ng tensyon sa mainit nang laban ng Grand Finals.

Sa Game 4 ng bracket reset, nagawa ni PBE Don na tapusin ang tournament gamit ang isang sakto sa tyempong Hadoken na tuluyang tumapos sa karera ni Damskie na natitirang hadlang sa pagitan nya at ng kampeonato ng REV Major Lockdown.