Ang Dan infinite combo ang isa sa pinakamahirap ma-master na moves sa Street Fighter V: Champion Edition.

Dahil kailangan nito ng perpektong frame execution, ginagawa ito madalas sa training mode o online ranked matches ng mga high-level players.

Kaya sobrang kahanga-hanga makita na naisagawa ito sa unang pagkakataon ng Taiwanese SFV: CE pro na si Arubi “RB” Kao sa isang opisyal na Capcom Pro Tour match.

Sa Losers Round 1 elimination match, ginamit ni RB ang Dan infinite combo laban sa paboritong manalo na si Li-Wei “Oil King” Lin para manalo sa unang laro sa isang best-of-five set.

Ano nga ba ang Dan infinite combo? 

Noong nilabas si Dan Hikibi ng Capcom noong nakaraang Pebrero bilang isang DLC character para sa Season V, nakita siya bilang isang low-tier character ng mga fans.

Ngunit nagbago ang lahat ng iyon noong naglabas ng video ang SFV:CE combo expert na si Desk na ipinakita kung paano isinagawa ni Dan ang isang infinite loop combo matapos ilabas ang kaniyang character. 

Dahil diyan, sumikat bigla si Dan kahit sa mga top pro players tulad nina Justin Wong at Victor “Punk” Woodley.

Paano gawin ang Dan infinite combo 

Kinakailangan ng pixel-perfect execution ang Dan infinite combo habang ang kalaban mo ay na-stuck sa corner.

Inputs: 

C. HP (Crouching Heavy Punch) > (QCF.LP) Light Fireball, C. HP > QCF.LP > S.HP (Standing Heavy Punch) > V-Skill II > C.HP > QCF.LP (repeat)

Dapat mong alalahanin na ikaw ay dapat nasa +11 frames bago mo simulan ang unang input, at gugustuhin mong gamitin ang V-Skill II para mabawasan ang pagkakataon para magkaroon ng input mistakes. Gumagana ang Dan infinite combo laban sa lahat ng characters, pati na rin sa mga characters na may malaki at maliit na character models.