Ang Red Bull Kumite London 2021 ay isang prestihiyosong fighting game tournament at ang unang major international offline Street Fighter V: Champion Edition event para sa 2021.
Narito ang mga kailangan mong malaman tungkol dito.
Ano ang Red Bull Kumite London 2021?

Ang Kumite tournament ng Red Bull ay nagsimula sa Paris mula 2015 hanggang 2018, hanggang sa ito ay inilipat sa Japan noong 2019 bilang pagkilala sa pinagmulan ng Street Fighter.
Para sa 2021, ang event ay gaganapin sa London sa kauna-unahang pagkakataon.
Nag-imbita ang Red Bull ng 16 professional players mula sa iba’t ibang panig ng mundo para maglaban-laban sa isang 10-hour tournament na gaganapin sa Whitby St, London E1 6JT, Royaume-Uni.
Ang mga kalahok sa Red Bull Kumite London 2021 tournament

Kasali sa event ang 15 sa mga top players sa kani-kanilang rehiyon, kasama ang isang United Kingdom player na nanalo sa Last Chance Qualifier tournament.
Full player list:
- Masato “Bonchan” Takahashi (Japan)
- Kanamori “Gachikun” Tsunehiro (Japan)
- Masaki “Kawano” Kawano (Japan)
- Hajime “Tokido” Taniguchi (Japan)
- Victor “Punk” Woodley (USA)
- Derek “iDom” Ruffin (USA)
- Bryant “Smug” Huggins (USA)
- Benjamin “Problem X” Simon (United Kingdom)
- Claud-Eric “Hurricane” D (United Kingdom)
- Shaquille “Jones” Jones (United Kingdom, Last Chance Qualifier winner)
- Amarjyot “Boltstrike” Sangha (United Kingdom, Last Chance Qualifier runner-up)
- Olivier “Luffy” Hay (France)
- Nathan “Mister Crimson” Massol (France)
- Alfonso Martinez “Vega patch” Pozo (Spain)
- Rabie “Takamura” Houmaid (Belgium)
- Arman Rabiee “Phenom” Hanjani (Norway)
Updated May 19: Ipinalit ng Red Bull Gaming si Amarjyot “Boltstrike” Sangha kay Le-Wei “Oil King” Lin. Si Boltstrike ang Last Chance Qualifier UK runner-up.
Red Bull Kumite London 2021 schedule

Narito ang kumpletong schedule ng Red Bull Kumite London 2021. Tandaan na ang oras na nakasaad ay GMT+8.
Ang main event ay gaganapin sa May 23 (Sunday) 9:00 p.m. at magpapatuloy hanggang 5:00 a.m. GMT+8.
- Pre-show: 9:00 p.m. GMT+8 (Sunday)
- Group matches: 9:30 p.m. GMT+8 (Sunday)
- Quarterfinals: 2:20 a.m. GMT+8 (Monday)
- Semifinals: 3:35 a.m. GMT+8 (Monday)
- Grand Final: 5:00 a.m. GMT+8 (Monday)
Red Bull Kumite London 2021 tournament format

Ang paligsahan ay lalaruin sa PC , bilang pagsunod sa Capcom Pro Tour rule set para sa Street Fighter V: Champion Edition.
Ang main event ay mahahati sa dalawang bahagi, ang Group Stage at Top 8 Stage.
Ang Group Stage ay lalaruin sa round robin format, at ang mga matches ay may best-of-three format.
Ang lahat ng Top 8 matches naman ay single elimination. Ang Quarterfinals ay may best-of-five format, ang Semifinals ay may best-of-seven, at ang Grand Finals ay best-of-nine.
Ang bunutan ng random bracket para sa Group Stage ay gaganapin sa Group Selection ceremony.Ang Group Stage brackets ay makikita dito.
Saan mapanood ang Red Bull Kumite London 2021?

Mapapanood ng live ang Red Bull Kumite London 2021 sa May 22 at 23 sa official Twitch at YouTube channels ng Red Bull.
Para sa iba pang detalye, tignan ang official post ng Red Bull.