Kasunod ng maikling teaser na inilabas noong simula nitong taon, tinupad ng Capcom ang pangako nilang maglabas ng karagdagang detalye tungkol sa Street Fighter 6, na ginawa nila sa State of Play showcase ng PlayStation.

Nagpakilala ang Capcom ng dalawang bagong characters, sina Jamie at Kimberly, kasama ng pagbabalik ng Street Fighter mainstay na si Chun-Li para sa SF6.

Ang SF6 ay magkakaroon ng ng mga bagong features tulad ng isang immersive open-world mode para sa single-player campaign, at “Real-Time Commentary” kung saan maririnig ang boses ng mga kilalang FGC talents sa game.

Maraming pagbabago ang ihahain ng ikaanim na installment ng Street Fighter, kung kaya’t narito ang lahat nang kailangan niyong malaman.

Ang mga bagong challengers na sina Jamie at Kimberly, at ang pagbabalik ni Chun-Li sa Street Fighter 6

Stereet Fighter 6 ChunLi New Design
Credit: Capcom

Sa 30 segundong trailer na inilabas noong simula ng taon ay ipinakita ang world-warrior na si Ryu, na mas malapad kaysa dati. Ipinakita siyang kaharap ang Amerikanong baguhan na si Luke, na huling character na ipinakilala sa SFV.

Ang dalawa ay sasamahan ni Chun-Li, na kapansin-pansin ang bago at mas magandang itsura.

Street Fighter 6 Jamie
Credit: Capcom

Nandiyan din ang bagong character na si Jamie, na inilalarawan ng Capcom bilang isang self-styled Chinatown peacekeeper na naghahangad na sundan ang mga yapak nina Yun at Yang, ang Twin Dragons mula sa Street Fighter III.

Si Yun, mula sa Third Strike at SFIV AE, ay isa sa mga pinaka-broken na character sa kasaysayan ng Street Fighter. Karamihan nang mga characters sa franchise ay umaasa sa mga basic fundamentals at spacing, ngunit dahil sa mabibilis na mga moves ni Yun ay pwede siyang maging rushdown character na may extended combos gamit ang kanyang Genei Jin super.

Maging ang Street Fighter legend na si Daigo “The Beast” Umehara, mula sa paggamit ng kanyang iconic Ryu, ay gumamit rin ng Yun noong 2011 upang magkaroon ng mas malaking tsansa na manalo sa mga tournaments.

Maaaring masyado pang maaga upang sabihing broken o overpowered si Jamie. Ngunit kung magkakaroon siya ng move set o playstyle na katulad ng kay Yun, hindi malayong maging top-tier character siya sa SF6.

Street Fighter 6 Kimberly
Credit: Capcom

Ang ikatlong kumpirmadong character na sasali sa roster ay ang baguhang si Kimberly, na sandaling ipinakita sa dulo ng trailer.

Kasama rin sa SF6 ang mga bagong moves at animations para kina Ryu, Luke, Chun-Li, at Jamie.

Mga bagong features na darating sa SF6

Ang ikaanim na installment ng sikat na franchise ay magkakaroon ng dalawang modes.

Ang World Tour ay isang single-player immersive story mode kung saan maaaring mag-explore ang mga players sa open world ng Metro City gamit ang kanilang avatars.

Sinabi ng Capcom sa kanilang press release na ang bagong system ay binuo para sa creativity, at sinabing babaguhin ng SF6 ang genre at malugod na tatanggap sa mga players mula sa iba’t ibang gaming background.

At panghuli, ang franchise ay magkakaroon ng “Real-Time Commentary” sa kauna-unahang pagkakataon na inaasahang magdadagdag ng hype sa gaming experience ng bawat Street Fighter player. Ang Capcom ay nakipagtulungan sa mga kilalang FGC (Fighting Game Community) commentators tulad nina Jeremy “Vicious” Lopez at Ryutaro “Aru” Noda na magpapahiram ng kanilang boses sa SF6.

“They will offer dynamic real-time commentary as your matches go on, and provide easy-to-understand explanations about gameplay,” ayon sa Capcom. “The Real-Time Commentary feature will also support subtitles in 13 languages for more accessibility.”

Ipapakilala din sa Street Fighter 6 ang bagong Modern Control Type para sa mga players na nahihirapan sa mga fighting game inputs, pati na rin ang Drive System na papalit sa mga special moves, supers, at V-trigger system ng SFV.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang website ng Capcom dito. Ang Street Fighter 6 ay nakatakdang ilabas sa susunod na taon at magiging available para sa PlayStation 5, PlayStation 4, Xbox Series X | S, at PC.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.