Araw-araw ay may bagong detalye tungkol sa Street Fighter 6 na inaanunsyo.

Mukhang isa sa mga features ng SF6 ay ang in-game damage at pagbabago sa itsura ng characters base sa mga tamang matatanggap nila sa laban. Ang mga pinsalang ito ay makikita rin sa match-winner cinematics showcase kasama ng victory lines.

Ang director at producer ng game na sina Takayuki Nakamaya at Shuhei Matsumoto ay nagbigay ng patikim sa mga fans ng maikling rundown ng mga dapat nilang asahan sa pinakabagong iteration ng Street Fighter sa Japanese Capcom YouTube channel.

Makikita sa Street Fighter 6 ang pagbabago sa in-game visual base sa damage na natanggap

SF6 Guile In Game Damage
Credit: Capcom Japan

Makikita sa pre-recorded gameplay footage ang Guile mirror match kung saan makikita ang bagong reveal na playable character sa isang actual 2D battle. Nakita ng mga aspiring Guile mains ang ilan sa mga bago niyang moves sa SF6, kabilang na ang target combos, kasama ng kanyang Sonic Hurricane super na tumatama bilang isang anti-air.

Pagkatapos ng match, makikita nating ang isang maikling cinematic kung saan makikitang maga ang mukha ni Guile, may sugat sa kanyang kaliwang mata, at may malaking hiwa sa ibabaw ng kanyang kaliwang kilay.

Sa ngayon tila sa makikita lamang ang mga bukol, galos, at hiwa sa kanyang mukha at hindi sa kanyang katawan.

Medyo mahirap din makita kung nagtamo ng in-game damage si Guile habang nakikipaglaban. Ngunit naging mas kapansin-pansin ang pinsalang natanggap niya nang mag-zoom in ang screen, bago niya pakawalan ang kanyang special move gamit ang kanyang Drive Gauge.

SF2 Guile Ryu Winners Screen
Credit: Capcom

Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita ng Capcom na bugbog sarado ang kanilang mga fighters matapos ang laban. Sa lumang Street Fighter 2 winners’ screen, makikitang duguan at sugatan ang natalong fighter.



Hindi pa ipinapaliwanag ng Capcom kung paano gumagana ang in-game damage feature, o kung pwede ba itong i-on o i-off ng players sa settings ng game. Mukhang kelangan nating maghintay sa paglabas ng SF^ sa susunod na taon para malaman.

Para sa iba pang guides tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.