Ito ang isa sa mga ayaw ng mga hindi kagalingan sa larong ito, may special win animation kapag nakakuha ng Perfect win sa Street Fighter 6, dagdag pang-asar sa natalong player.

Sa nagdaang Japan Expo 2022, dumalo ng Capcom Europe brand manager na si Matthew Edwards kung saan nasaksihan niya ang isang attendee na nanalo sa sa kanyang kalaban gamit si Luke nang hindi nagtatamo ng damage. Hiniling ni Edwards na ulitin nito ang perfect victory upang makunan niya ng video para sa Twitter.

Panoorin ang pang-TikTok na galawan ni Luke matapos talunin ang kalaban.



“Luke is definitely from the TikTok generation,” sabi ni Edwards sa kanyang tweet, “I’m now wondering what the other perfect win animations look like.”

Hindi na bago ang mga victory animations sa Street Fighter series. Ang Yoga Master na si Dhalsim ay may version ng Yoga dance o hindi kaya’y lulutang sa ere pagkatapos tustahin ang kalaban sa Street Fighter 2. Ang Muay Thai expert na si Sagat naman ay tatawa ng malakas matapos paulanan ng tuhod at siko ang katunggali. May cute din na win pose si Chun-Li sa Street Fighter 3: Third Strike matapos pabagsakin at pakainin ng sipa ang kawawang kasagupa.

Street Fighter 6 Ryu Chun-Li perfect win
Credit: Capcom

Hindi pa malinaw kung ano ang mga kondisyon upang mapalabas ang mga victory animations na ito sa Street Fighter 6. Sa ngayon, ay sabay-sabay tayong maghihintay sa mga updates at iba pang balita tungkol sa susunod na installment ng isa sa pinakamalaking fighting game franchise sa buong mundo.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.