Ibinahagi ng Capcom na opisyal na sasali sa Street Fighter V: Champion Edition roster sina Oro at Akira sa August 16, 2021.

Ibinalita ito sa Street Fighter V Summer Update 2021 stream ng Capcom kung saan ang SFV director na si Takayuki Nakayama at SFV producer na si Shuhei Matsumoto ay nagbigay ng mga kailangan nating malaman tungkol kay Akira ng Rival Schools.

Normal attack at special moves ni Akira

Nagbigay sina Nakayama at Matsumoto ng impormasyon tungkol kay Akira sa kanilang in-depth character showcase. Ang kanyang fighting style at galaw ay base sa Bajiquan, isang Chinese martial art.

Normal attacks

SFV Akira Normal Attack SFVSummerUpdate
Credit: Capcom (SFV Summer Update 2021)
Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Idinagdag ng mga developers ang ilan sa kanyang mga moves galing Rival Schools, tulad ng kanyang heavy punch (HP) at Kutenshu.

Mas maliit ang character model ni Akira kumpara sa ibang nasa roster ng Street Fighter V. Ito ang dahilan kung bakit magiging mas epektibo sya sa close range.

May decent range ang kanyang medium kick (MK) na maaaring i-cancel papunta sa kanyang special moves. Ang kanyang heavy kick (HK) ay nagsisilbing poke dahil sa haba ng range nito at crush counter capabilities.

Special moves

SFV Akira Special Move SFVSummerUpdate
Credit: Capcom (SFV Summer Update 2021)
Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Urarimon – Sumusugod sya at sinisiko ang kalaban, na mainam para sa surprise attacks at combo starters.

Senshubu – Isang roundhouse kick na maaaring gamitin bilang mix-up attack dahil pwede itong ibato nang low, mid, o high.

V-Skills at V-Triggers ni Akira

V-Skill I – Kiko Rensei

SFV Akira Counter AntiAir SFVSummerUpdate
Credit: Capcom (SFV Summer Update 2021)
Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Pinapalakas nito ang kanyang Kiko Kai special move, nagdadagdag ng hits na maaaring ituloy sa dagdag na combo pagkatapos.

Ang kanyang EX Kiko Kai ay may wall bounce effect pag tumama, na pwedeng gamitin bilang combo extender. Ang air version naman ng Kiko Kai ay ginagamit pangontra sa mga anti-air attacks.

V-Skill II – Tsutenda

SFV AkiraVSkill SFVSummerUpdate
Credit: Capcom (SFV Summer Update 2021)
Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Pinapaangat nito ang kalaban sa ere at sinusundan ito ni Akira ng airburst para sa isang aerial combo, katulad ng mga combos sa Rival Schools.

Maaari nyang tapusin ang kanyang mid-air combo gamit ang Shin Tenshu finisher, kung saan binabalibag nya ang kalaban sa sahig. Nagbibigay ito kay Akira ng mas maraming wake-up options.

V-Trigger I – Otoko No Senaka

SFV AkiraVTrigger SFVSummerUpdate
Credit: Capcom (SFV Summer Update 2021)
Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Tinatawag ni Akira ang kanyang kapatid na si Daigo para sugurin ang kalaban. Ang move ay may dalawang hits, maaaring gamitin ni Akira ang dalawang hits na ito para dumepensa o para magsimula ng combo.

V-Trigger II – Haten No Kamae

SFV AkiraVTrigger2 SFVSummerUpdate
Credit: Capcom (SFV Summer Update 2021)
Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Pag na-activate ito, pumupwesto si Akira sa isang kakaibang stance kung saan pwede siyang gumawa ng tatlong magkakaibang follow up moves. Sa pagbitaw nito, magiging V-Timer ang V-Gauge, at maaari nyang gawin ang V-Trigger nang hanggang dalawang beses.

Ang stage ni Akira ay tinatawag na Rival Riverside

SFV Akira SFVStage
Credit: Capcom (SFV Summer Update 2021)
Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports

Ipinakita rin ng mga developers ang bagong stage ni Akira, ang Rival Riverside, na malapit sa Gedo High School. Sa stage na ito, makikita ang kanyang mga kapwa Rical Schools character na sina Edge at Gan.

SFV AkiraOroDLCSummerUpdate2021
Credit: Capcom

Si Akira ang pang-apat na character na mapapasama sa Street Fighter V: Champions Edition roster sa August 16, 2021 sa Season V DLC.