Ibinahagi ng Capcom na opisyal na sasali sa Street Fighter V: Champion Edition roster sina Oro at Akira sa August 16, 2021.
Inanunsyo ito sa Street Fighter V Summer Update 2021 stream ng Capcom kung saan ang SFV director na si Takayuki Nakayama at SFV producer na si Shuhei Matsumoto ay nagbigay ng in-depth breakdown ng ikatlong DLC character para sa Season V DLC.
V-Skills at V-Triggers ni Oro
V-Skill I – Onibi

Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports
Ang V-Skill I ni Oro ay katulad ng kanyang Yagyodama mula sa Street Fighter III Series, isang projectile na may mabagal na trajectory. Medyo may kabagalan ang pagbitaw nito, ngunit malakas at matibay kapag na-activate.
Ang EX version ng Nichirin Sho ay nagdadagdag ng isa pang projectile na humahabol sa kalaban. Dahil dito, maaari syang magpakawala ng dalawang active projectile nang sabay, na magagamit naman nya para makapag-set up ng mix-ups.
V-Skill II – Monimushi

Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports
Sa move na ito, tumatalon paabante si Oro na pwedeng sundan ng isa sa dalawang magkaibang atake. Maari din itong gawin mula sa mga cancellable na normal, na maaring sundan ng overhead attacks upang sirain ang depensa ng kalaban.
Ipinaliwanag din ng mga developers na ang Onibi ay ginagamit para sa mga long-range attacks, habang ang Minomushi naman ay nagpapalakas ng mid-range game ni Oro.
V-Trigger I – Manrikitan

Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports
Sa V-Trigger na ito, nagkakaroon si Oro ng kakayahan ng gamitin ang kanyang dalawang throws, ang Kishiniriki at Kishin Kuchu Jigoku Guruma.
Ang mga throws na ito ay nakakadagdag ng kakayanan ni Oro na pasukin ang depensa ng kalaban. Maaari din itong isama sa mga combos sa pamamagitan ng pag-cancel mula sa mga normal o special moves.
V-Trigger II – Tengu Stone

Screenshot by Nigel Zalamea/ONE Esports
Sa pag-activate ng V-Trigger na ito, may lalabas na tatlong objects sa taas ng ulo ni Oro, at ang mga objects na ito ay susugod kasunod ng kanyang pag-atake. Ito ay tutulong sa kanyang pagdugtungin ang mga combos na hindi kumakabit sa mga normal na pagkakataon.
Maaari ding magpalabas ng limang objects sa halip na tatlo para sa mas malakas na damage, subalit magkakaroon ito ng mas maikling V-Timer.
Si Oro ang ikatlong character na mapapasama sa Street Fighter V: Champion Edition roster sa August 16, 2021 sa Season V DLC.
