Sa ikaanim na linggo ng Tekken 7 tournament sa Intercontinental Fight Club (ICFC) Asia Season 3, muling sumabak ang pambato ng PlayBook Esports na si Alexandre “AK” Laverez.
Sa top eight qualifier sa losers bracket, nakaharap ni AK ang pambato ng Thailand at SEA Games gold medalist na si Nopparut “Book” Hempamorn ng Talon Esports. Sa labang ito, inilabas ni AK ang kanyang classic main na Paul Phoenix laban sa Lidia ni Book.
AK Versus Book
Sa unang round ng game one, isang clutch Rage Art ang napatama ni AK nang mag-transition sa Vacuity si Book matapos ang Cat Foot Stance nito. Sinundan ito ni ak ng Phoenix Smasher (qcf+2) sa pag-aakalang sapat na ito para tapusin ang round, ngunit may natira pang kapirasong HP sa lifebar ng Thai pro player. Kaya’t dali-daling nag-dash in si AK upang tapusin ang round pamamagitan ng trample.
Sa huling 14 seconds ng round four, nahuli ni AK ng isang uppercut launcher (d/f+2) ang Lidia ni Book, ngunit hindi nya ito nasundan ng tamang juggle. Matapos ang ilang segundong palitan ng pokes, tinapos ng Paul ni AK ang round sa Lion’s Roar (d/f+1,1,2).
Sa game two, nagpalit ang character si Book at ginamit ang Muay Thai fighter na si Fahkumram. Tila bagyong dinaanan lang ni Book ang game two sa isang No Round Brown (NRB). Isang counter hit High Kick to Erupting Knee combo ang pinantapos ni Knee sa ikalawang game.
Dinala ni AK sa paborito nyang stage na Howard Estate ang ikatlo at huling game. Kinuha ni Book ang round one at napigilan ang muntik nang comeback play ni AK.
Sinubukan ni Book na bigyan ng dash-in pressure si AK sa mga huling sandali ng round two, ngunit sinuklian lamang ito ng isang hopkick na naging dahilan upang makuha ng Pinoy ang round.
Isang unorthodox play naman ang nagpanalo kay AK sa ikatlong round nang pinalagan nya ng Demo Man (d+4,2,1+2) si Book, sa kabila ng pagtama ng Left Right punch combo ng Thai pro player. Nakakagulat ang galaw na ginawa ni AK dahil na kay Book ang frame advantage sa mga sandaling ‘yon.
Halatang hindi natuwa si book sa nangyari, kung kaya’t tinapos nya ang sumunod na round sa loob ng 12 segundo.
Lumamang si AK sa huling round ng series. Nakapagpatama sya ng isang wall break combo at pati na rin ng isang Demo Man. Sa huling sequence ng round, nakapagpakabit sya ng isang Phoenix Bone Breaker (f,f+2:1) at isang Phoenix Smasher. Nakapasok si AK sa top 8 losers bracket, habang na-eliminate nya naman si Book mula sa tournament.
Natalo si AK sa sa Japanese player na si Genki “Youjin Boy” Kurooka sa Losers Quarter-Final, at nagtapos sa 5th place sa tournament.
Kasalukuyang nasa ikalimang pwesto rin si AK sa Sa ICFC Asia Season 3 leaderboard na may 165 points.

Ang ICFC Asia Tekken tournament ay mapapanood tuwing Wednesday, 7 p.m. GMT+8, sa official Twitch channel ni Majin Obama.