Pasok sa number one spot ang pambato ng Bren Epro na si Maru Sy, habang pumapangalawa naman si Juliano “Jule” Lozano ng Smart Omega para sa playoffs ng The Nationals Season 3 Tekken Conference.
Ang natitirang Bren Epro ay nagtapos sa 39 points habang ang si Jules, na nanguna ng ilang araw sarankings, ay pumangalawa sa score na 36 points.

Umakyat naman sa pangatlong pwesto si Michael “Hapon” Magbanua ng STI E-Olympians na may score na 34 points.
Nakuha naman ni Raphael “Vermilion” Cueva ng Cignal Ultra Warriors ang ikaapat na seed mula kay Alexandre “AK” Laverez ng Laus PlayBook Eagles sa kabilang ng pagkakaroon nila ng pantay na score na 33 points. Ito ay dahil sa lamang ni Vermilion sa kanilang paghaharap sa Play-ins at Group Stage. Makukuha ni AK ang ikalimang seed.
Nasa ikaanim na pwesto ang Season 2 third placer na si Jeffrey “Coffee Prinz” Gonzales ng Happy Feet Emperors sa score na 30 points.
Ang kaisa-isang rookie ng The Nationals na si Daniel “Kunicat” De Leon ng Cignal Ultra Warriors ang kumuha ng pampitong seed na may 28 points, habang ang ikalawang myembro ng Smart Omega na si Daniel “Machinehead” Eking naman ang kumuha ng huli at pangwalong pwesto sa score na 26.

Mapapanood ang playoffs ng The Nationals ng live sa kanilang Facebook page sa June 5, 2 p.m.