Nananatili pa rin sa tuktok ng Player Standings ng The Nationals Pro League Season 3 Tekken 7 Conference ang pambato ng Bren Epro na si Maru Sy sa pagtatapos ng Day 3 ng Group Stage.

Ikalawang sunod na araw nang naghahari si Bren Maru sa rankings ng The Nationals, matapos nyang talunin sina Alexandre “AK” Laverez ng Laus PlayBook Esports at Daniel “Machinehead” Eking ng Smart Omega.

https://www.facebook.com/watch/?v=1300131400401809&t=6500

Sinigurado ni Bren Maru ang kaniyang posisyon bilang first placer sa Player Standings nang makuha nya ang 2-0 wins mula sa tinaguriang Hari ng The Nationals na si AK, at sa number one draft pick na si Machinehead. Sa kasulukuyan ay meron syang 36 points.

Pumapangalawa sa standings ang Visayan Super Saiyan na Raphael “Ralph” Cueva ng Cignal Ultra Wariors na may 29 points, na sinusundan naman ni Juliano “Jules” Lozano ng Smart Omega na may 28 points.

Tekken The Nationals Group Stage Player Standings
Credit: The Nationals

Mapapanood ng live ang The Nationals Tekken 7 Pro League Season 3 tuwing Miyerkules, Huwebes, Sabado, at Linggo sa The Nationals Facebook page.