Inanunsyo ng International Esports Federation (IESF) na magbabalik ang Tekken 7 bilang isa sa mga games sa IESF 13th Esports World Championship, Eilat, Israel, para sa taong ito. Ito ang ikawalong beses na maisasama ang Tekken sa IESF mula noong 2012.
Ang lahat ng atletang maglalaro para sa Tekken 7 sa IESF 13th Esports World Championship ay pipiliin ng mga myembro ng national federations na affiliated sa IESF.
Sa Esports World Championship ng IESF ay isang tournament kung saan ang lahat ng players mula sa iba’t ibang panig ng mundo ay kakatawan sa kani-kanilang mga bansa. Tampok ang mga national teams, tinatayang sa taong ito magaganap ang pinakamalaking competition, na may humigit-kumulang 80 bansang kasali.
Layunin ng IESF na makita ang pinakamahuhusay na esports athlete sa mundo na kumatawan sa kani-kanilang bayan para sa 13th Esports World Championship sa Eilat, Israel.
Para sa karagdagang impormasyon at updates, i-follow ang IESF sa Facebook, Twitter, LinkedIn, at Instagram.