Nagmula sa Street Fighter franchise, si Akuma ay isa sa mga guest characters ng Tekken 7. Lumabas noong 2017, si Akuma ang isa sa mga unang playable character sa Tekken 7 na gumagamit ng meter mechanic.
Magkakaibang reaksyon ang natanggap ng character na ito nang lumabas sya sa Tekken 7. May mga natuwa at meron din namang mga nainis dahil sa kakaibang mechanic ng character na hindi ayon sa tradisyunal na gameplay ng Tekken. Marami ang nagsasabing broken o unfair ang character na ito.
Sa isang tweet, ipinahayag ng Tekken pro player na si Bae “Knee” Jae-Min ang kanyang opinyon tungkol kay Akuma. Pansin sa tweet ang pagkadismaya ni Knee at tinawag nya itong ‘broken’.
Sa video, makikitang magkalaban sa isang tournament sina Chanel at K2RO. Tinamaan ang Zafina ni Chanel ng double jab (1,1) counter hit to Hadoken combo ng Akuma ni K2RO. Hindi dito natapos ang combo, dahil sinundan ito ni K2RO ng focus attack dash cancel (FADC) na sinundan ng wall carry combo na umubos sa mahigit kalahati ng lifebar ni Chanel. Pero hindi pa rin tapos ang opensa ng Akuma ni K2RO, sinundan ito ng divekick cross-up na dumerecho sa isa pang combo na tuluyang tumapos kay Chanel.
Marami ang sumang-ayon sa sentimyento ni Knee. Meron din namang mga kumontra at sinabing isa itong patas na set up at nahuli lamang si Chanel dahil tumayo sya agad pagkatapos ng combo.
Nagbigay din ng paliwanag ang pro player na si Vincent “Super Akouma” Homan na isang sikat na Akuma main. Ayon sa kanya, may paraan para matakasan ang set up na ito. Dito daw pumapasok ang ‘mind game’, isang konsepto na hindi na bago sa Tekken.
Ano sa palagay nyo? Patas nga ba si Akuma o dapat syang i-nerf?