Sa kakatapos lang na Intercontinental Fight Club (ICFC) Asia Season 3 Week 5 Tekken 7 tournament, sumali sa unang pagkakataon ang pambato ng Omega Esports na si Juliano “Jules” Lozano.

Bitbit ang bandera ng bansa, marami ang nagulat at humanga sa larong ipinakita ni Omega Jules sa tournament.

Unang sabak sa ICFC

Upang makapasok sa top 8, kinailangang lagpasan ni Omega Jules ang ilan sa mga pinakamagagaling na Tekken players sa Asia. Kabilang dito ang mga Thai players na sina Peerawatr “ReaperRabbit” Wongdhongnidhi at Di “Friki” Lhong, pati na rin ang kanyang kababayan na si Alexandre “AK” Laverez.

Sa top 8 Winners Bracket, nakaharap ni Omega Jules ang isa sa mga itinuturing na “harang” ng ICFC na si Hazuremetal ng Japan. Gamit ang kanyang main na Jin Kazama, tinalo ni Omega Jules si Hazuremetal sa score na 2-0 upang umabante sa Winners Finals.

Sa kasamaang palad, natalo si Jules sa dalawang sumunod nyang matches. Ito ay laban kina Masaki “Masa” Fujita ng Equinox Gaming at Nopparut “Book” Hempamorn ng Talon Esports, na parehong natapos sa score na 3-2.

Nabilib ang marami kay Omega Jules

Tekken OmegaEsports Jules Training
Credit: Omega Esports

Bagamat hindi pinalad na manalo sa tournament, inulin ng papuri si Jules mula sa mga manonood pati na rin sa sa mga casters at organizers.

Ayon sa caster at pro player na si Shimon “Tissuemon” Kawai, “Jules is a balanced player. He can do anything.”

Matinding papuri rin ang natanggap ni Jules mula sa organizer at caster na si Jonathan “Majin Obama” Metoyer at sinabing “Jules made a very strong impression today.”

Tekken7 ICFC Asia TwitchComments
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Sa pagtatapos ng tournament, isa si Jules ang naging highlight at usap-usapan sa comments section. At dahil sa mahusay nyang ipinakita, tiyak na marami ang mag-aabang sa muli nyang pagsali sa ICFC Asia Tekken tournament.

Ang ICFC Asia Tekken tournament ay mapapanood tuwing Wednesday, 7 p.m. GMT+8, sa official Twitch channel ni Majin Obama.