Kung matagal ka nang naglalaro ng Tekken, malamang ay naging biktima ka na rin ng isa sa mga multi-throw ng masked wrestler na si King. Nakakapanlumo ito kung sa iyo ginawa dahil talaga namang napakalaki ng bawas ng mga multi-throw na ito. Pero huwag kang mag-alala dahil may kalas ang mga ito.
Sa isang viral Tekken 7 video ng Korean streamer na si Mr. Ingjo, makikita na ginamitan sya ng multi-throw ng kalaban nyang King. Pinilit nyang makawala habang natatarantang pinipindot ang mga buttons sa kanyang fightstick. Ngunit sa huli, wala rin syang nagawa kundi ang magdabog.
Nakakatawa ang video kung papanoorin dahil sa reaksyon ng streamer. Pero paano nga ba makawala sa ganitong sitwasyon?
Throw sa Tekken 7
Bago matuto kumalas ng mga throw, kelangan muna nating maintindihan ang konsepto nito.
Ang throw o grab ay isang mechanic ng Tekken 7 na ginagamit para mag-deal ng damage. Ang throw ay unblockable, hindi ito pwedeng salagin pero pwede itong kalasan o takasan. Ang kalas sa throw ay kadalasang 1 (left punch), 2 (right punch), o 1+2 (sabay na pindot ng dalawang buttons), depende sa kung anong klaseng throw ang gagawin.
Ang multi-throw naman ay ang technique na ginagamit ni King at ilang mga characters kung saan sunod-sunod at magkakarugtong na throw ang ginagawa para sa mas malaking damage na maibigay sa kalaban.
Mexican Magma Drive 2
Sa video ni Mr. Ingjo, ginamitan sya ng kalaban nyang King ng isang bersyon ng Mexican Magma Drive 2. Ito na siguro ang pinakamalakas na multi-throw ni King bukod sa Rolling Death Cradle (RDC).
Narito ang breakdown ng bersyon ng Mexican Magma Drive 2 na ginawa sa video.

Mapapansin na ang escape o takas sa mga parte ng multi-throw ay maaring 1 o 2 depende sa kung anong bersyon ng throw ang gagawin ng King player. At dito na pumapasok ang mind games ng isang magaling na King user.
King multi-throw button mash technique
Ang multi-throw button mash technique ay hindi na bago sa Tekken. Ito ay ang pagpindot ng lahat ng buttons (1+2+3+4) nang sabay-sabay para makabuo ng multi-throw. Isa itong napaka-convenient na paraan kumpara sa pagkabisa ng mga napakahabang multi-throw commands.
Pero may simpleng solusyon at takas para dito – uno (1).
Kung titignan ang command at escape ng Mexican Magma Drive 2, makikita na ang lima sa pitong parte nito ay may dalawang bersyon at nagbabago ang kalas depende sa kung anong bersyon ang gagawin ng King player. Ang Cobra Clutch, Reverse DDT, Reverse Special Stretch Bomb, Burning Hammer, at Screwdriver ay may kalas na 1 o 2.
Kapag ginamit ng King player ang button mash technic sa multi-throw, ang unang bersyon ang laging nagre-register, kung kaya’t uno (1) lagi ang kalas. Kung ganon, meron kang limang pagkakataon para makalasan ang multi-throw na ito.
Pero ibang usapan na syempre kung kabisado ng King player ang multi-throw commands at baguhin nya ang input.