Si Heihachi Mishima ang sinasabing pinakamahina sa mga Mishima-style characters sa Tekken 7, pero maraming nakakapansin ng inilakas ng franchise fighter dahil sa pinakahuling 4.20 patch.
Dahil sa mga Heihachi buffs, maraming Tekken enthusiasts ang gustong malaman ang opinyon ng Korean pro player na si Hyun-jin “JDCR” Kim. Bagamat kilala sya sa paggamit ng Dragunov sa mga competitive tournaments, alam ng marami na si Heihachi ang kanyang paborito sa lahat ng mga Mishima mula pa noong panahon ng Tekken 5.
Opinyon ni JDCR sa Heihachi buffs
Sa kanyang review, lubos na pinuri ni JDCR ang mga adjustment para kay Heihachi sa 4.20 patch. Aabot sa sampung move adjustments ang natanggap ng tenured character, kabilang na dito ang reach potential pati na rin frame advantagers on-block.
Fundamental moves

Humanga si JDCR sa desisyon ng Bandai namco na baguhin ang pressure game ni Heihachi sa pagpapaganda ng kanyang mga key moves.
“The fact that they buffed moves like df1 and jab shows that they still understand Tekken as a game,” pahayag ni JDCR.
Si JDCR ay isang dalubhasa pagdating sa fundamentals, kung kaya’t nagustuhan ng pro player ang mga pagbabagong ginawa sa dawalang moves. Dahil sa mas mahabang reach, ipinakita ng pro kung paano ito gagamitin bilang mga go-to poking moves.
Ang Hammer Punch (d+1) ay nakatanggap ng homing property at start up buff (17-18 to 16-17), kaya naging maganda itong follow up sa mga blocked pokes.
Hellsweep buff
Pagdating naman sa mga combos, ang hellsweep (f,n,d,d/f+4) ay meron nang frame advantage na +8 on hit, kung kaya’t maituturing nang true string ang pagsunod ng d/f+1.
Pero kahit na ito ay magandang buff, itinuturing lang ito ni JDCR na isang simpleng karagdagan sa hellsweep game ni Heihachi, dahil kailangan mo pa ring hanapan ng magandang timing ang pagbitaw ng move para magamit mo ang follow-up.
9-hit screw combo

Dahil sa improved recovery ng Tenma Barrage (b,f+2,3), meron na syang 9-hit screw combo na may 69 damage. Makakadagdag ito sa wall carry potential na makakatulong din sa mas mabilis na pag-close out ng rounds ni Heihachi.
Bagong WS punish
Pinabilis din ng Tekken team ang start up frames ng Quick iron Fist (WS+1) mula 14-15 frames to 13-14 frames kapalit ng pagbawas sa damage nito na dating 20 na ngayon ay 17 na lamang. Mas madali na itong gamitin pang-punish para sa 41 damage combo.
Makikita sa video na pinatunayan ni JDCR ang laki ng ipinagbago ni Heihachi, dahil nakakuha sya ng 14 straight wins gamit ito, nakalaban din nya ang kapwa pro player na si Jae-hyun “CherryBerryMango” Kim.
Ayon sa pahayag ni JDCR sa kung gaano kalakas si Heihachi dahil sa mga naganap na buff, marami ang umaasa na gagamitin nya ang Mishima sa mga darating na competition.