Nagwagi sa Tekken 7 tournament ng Intercontinental Fight Club (ICFC) Asia Season 3 Week 4 ang Thai pro player na si Nopparut “Book” Hempamorn ng Talon Esports.

Gamit ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist ang pinakabagong character sa Tekken 7 na si Lidia Sobieska, ang fictional Prime Minister ng Poland, na inilabas noong Marso ng taong kasalukuyan. Matatandaan na isa si Lidia sa mga nakatanggap ng mabibigat na nerfs sa patch 4.20. Ngunit sa kabila nito, malakas pa rin ang character at mahusay itong nagamit ni Book upang kunin ang Week 4 ng ICFC Asia.

Nakalaban ni Talon Book ang Japanese pro player na si Masaki “Masa” Fujita ng Equinox Gaming sa Winners Finals. Tinalo ni Talon Book ang Ganryu ni EQNX Masa sa final round ng game four upang isara ang best-of-five series sa score na 3-1.

Muling nagharap si Talon Book at EQNX Masa sa Grand Finals kung saan na-reset ni Masa ang bracket. Ngunit hindi natinag ang Lidia ni Talon Book. Gaya ng nangyari sa Winners Finals, tinapos ni Book ang huling best-of-five series ng tournament sa score na 3-1 sa pamamagitan ng isang punch parry na sinundan ng Law of the Land.

Sa parehong araw ng ICFC Tekken tournament ay nagkampeon din sa Talon Book sa Dango FGC Showmatch TVC, isang online tournament sa Vietnam.