Kung iniisip mo kung anong itsura ng mga Tekken moves sa totoong buhay, gugustuhin mong panoorin ang tricker at b-boy na si Sam “F808Z” Herring.

Sa kanyang maikling video, ipinamalas ni Sam ang lakas ng kanyang pangangatawan at husay sa paggalaw sa pamamagiatan ng paggaya sa mga moves ng iba’t ibang characters ng Tekken.

Bukod sa mga karaniwang sipa at patid, ipinakita ni F808Z ang pagiging teknikal nIya sa paggaya ng mga combos sa laro. Bilang isang breakdancer, kuhang kuha nya ang trademark windmill ni Eddy Gordo na sinamahan nya ng malupit na backspin finish. Ginaya rin nya ang mga Karate-based moves nila Heihachi, Jin, at Kazuya.

Pati mga stances ng mga characters ay ginaya din ng Da Flying Hawaiian, kuhang kuha nya ang Phoenix stance ni Xiaoyu pati na rin ang Flamingo stance ni Hwoarang na base sa Taekwondo.

Mukhang fan talaga ng fighting game franchise si F808Z dahil sa mga nakakatawang reference na Tekken fans lang ang makakaintindi. Ginaya nya ang mahabang punch combo ni Bryan at pinakita nya kung anong itsura ng backdashing ni Steve sa totoong buhay.

At bilang pangwakas sa kanyang compilation, hinubad nya ang kanyang shirt at tumalon para gawin ang sarili nyang version ng flying laser ni Devil Jin.

Mapapanood ang nasabing video sa ibaba.