Opisyal na inanunsyo ng Bandai Namco ang pagbabalik ng Tekken Online Challenge, isang online Tekken circuit kung saan makikita ang mga pinakamahusay na Tekken players.

Mga regional stops ng 2021 Tekken Online Challenge

Mas pinalaki ang Tekken online Challenge para sa taon na ito. Dahil sa patuloy na pagpapabuti ng mga developers sa online play at connectivity ng game, makakaasa ang mga aspiring fighters sa mga solid na pagbabago kumpara sa nakaraang TOC season.

Sa halip na tatlong US regions (East, West, at Central), ang mga US players ay maglalaro sa bandera ng North America kasama ng mga Canadian players.

Mas pinalaki rin ang player pool ng Pilipinas dahil makakasama nito ang Hong Kong at Taiwan sa regional events.

Narito ang listahan ng 14 na stops ng TOC 2021:

  • North America
  • Central America
  • South America
  • West Europe
  • East Europe
  • West Africa
  • South Africa
  • Middle East
  • South Asia
  • Southeast Asia
  • The Philippines & East Asia
  • Oceania
  • Korea
  • Japan
Tekken7 Tekken Online Challenge 2021 Banner Graphic
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

2021 Tekken online Challenge format

Di gaya ng TOC 2020 na meron lamang isang event sa bawat region, mas pinatindi ng Bandai Namco ang laban sa taong ito sa pagdagdag ng mga dojo events at regional final.

Ang bawat region ay may sariling circuit kung saan ang mga local players ay pwedeng sumali sa mga community-run dojo tournaments at isang Bandai-hosted Masters event, katulad ng Tekken World Tour 2019 bago ang pandemic.

Tekken7 Tekken Online Challenge Dojo Placement Graphic
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Sa mga regional events na ito makakakuha ng points ang mga players para sa regional leaderboard. Titipunin ng Bandai Namco ang pinakamataas na Masters placement kasama ang apat na pinakamataas na dojo placements ng bawat player para sa end-of-season score.

Sa pagtatapos ng season, ang top 8 players na may pinakamataas na points sa regional leaderboard ay maghaharap-harap sa Regional Final event.

Para sa mga tournaments, kinumpirma ng Bandai Namco na lahat ng events sa TOC 2021 ay magkakaroon ng double-elimination bracket format.

Ipinaliwanag ni Michael Murray ang pagbabalik ng dojo system

Nagbigay ng pananaw ang Tekken 7 producer na si Michael Murray kung bakit magiging mas matatag ang competitive system ng TOC 2021 sa pagbabalik ng dojo component.

“It was originally by pitched by Richard “Rickstah” Uehara as a way to involve the community as a whole and reward people for doing their own local scenes,” sabi ni Murray.

Dahil sa ideyang ‘to, muling ibinalik ng Tekken team ang dojo components mula sa TWT 2019 at gumawa ng paraan kung paano ito maisasama sa online circuit na patas at kapanapanabik para sa buong rehiyon.

“We wanted to try and find some kind of way to recreate that with the Tekken Online Challenge this year so it’s something I’m personally looking forward to,” sabi ni Murray.

Para sa iba pang detalye, tignan ang official Tekken Online Challenge 2021 page.