Natapos nitong Linggo ang International Esports Federation (IESF) Tekken 7 Philippine Qualifier kung saan tinanghal na kampeon ang Visayan Super Saiyan na si Raphael “Vermilion” Cueva.

Ramdam ng lahat ang pwersa ni Vermilion na umararo sa lahat nang nadaanan nya dahil wala itong natamong talo.

Tekken7 IESFPHQualifier Bracket
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Vermilion vs Hapon sa Winners Semifinals ng IESF Tekken PH Qualifiers

Sa Top 8, pasok si Vermilion sa Winners Bracket kung saan una nyang nakaharap pambato ng Bren Esports na si Michael “Hapon” Magbanua. Simula pa lang ay nagdomina na ang Kazuya ni Vemilion sa Lidia ni Hapon. Tinapos ni Vermilion ang laban sa pamamagitan ng isang wake-up Rage Art na nagresulta sa 2-0 finish.

Vermilion vs Doujin sa Winners Finals ng IESF Tekken PH Qualifiers

Sa Winners Finals naman ay nakasagupa ni Vermilion ang 2017 IESF Tekken world champion na si Andreij “Douijn” Albar ng PlayBook Esports.

Dito inilabas ni Vermilion ang kanyang main na Devil Jin pantapat sa Katarina ng dating IESF champion. Matinding punishment game ang pinakita ng Visayan Tekken player na nauwi sa isang no round brown.

Naging mas maingat si Doujin sa game two na ginamitan nya ng Leo. Umabot sa final round ang game ngunit nanaig ang pagiging pasensyoso ni Vermilion at tinapos ang game gamit ang Broken Plate bilang whiff punish.

Gamit pa rin ang kanyang Leo, pumili si Doujin ng mas maliit na stage para sa game three, ang Dragon’s Nest. Halos palitan ang bato ng opensa ng magkabilang panig na kadalasang nagtatapos sa pagkakaroon ni Vermilion ng kalamangan. Ngunit sa round four, tila nakaamoy ng dugo si Vermilion at pinaulanan ng atake ang dating kampeon. Sa mga huling sandali ng round, makikita si Vermilion na dinidikitan at minumukhaan ang kalaban bilang panlito. Tinapos nya a match sa isang generic low kick sa sa isang 3-0 sweep.

Vermilion vs Hapon sa Grand Finals ng IESF Tekken PH Qualifiers

Sa Grand Finals, muling nyang nakaharap si Hapon na inilabas ang kanyang original main na Eddy, ngunit hindi ito naging epektibo laban sa Kazuya ni Vermilion.

Muling sinubukan ni Hapon ang kanyang Eddy sa game two, ngunit hindi ito nagkaron ng sagot sa agresibong opensa ni Vermilion na nagtapos sa isang Stature Smash.

Tekken7 IESFPH Kazuya Vermilion
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Sa ikatlong game, bumalik si Hapon sa kanyang Lidia. Pero sa pagkakataong ito, nasa ibang lebel na ang estado ng pag-iisip ni Vermilion. Alam nyang abot-kamay nya na ang kampeonato kung kaya’t mas naging agresibo ito sa paggamit ng kanyang 50/50 playstyle. Parang bagyong dumaan ang bawat round na nagtapos nang mayukuan ni Vermilion ang command throw ni Hapon. Napaangat si Hapon gamit ang Twin Pistons para sa isang combo na tinapos sa isang napakagandang Rage Art.

Isa na namang 3-0 sweep ang nagawa ni Vermilion para tapusin ang tournament at tanghaling kampeon ng IESF Tekken 7 PH Qualifier. Sya ang kakatawan sa bansa sa IESF Regional Qualifier.

Tekken7 IESF Vermilion SmashGG profile
Screenshot by Ron Muyot/ONE Esports

Tinanong ng ONE Esports si Vermilion tungkol sa kanyang IGN prefix na “My Wallet”, na sya namang pabirong sinagot ng Visayan champion. “My wallet is my sponsor right now. Hahaha!”