Naniniwala ang 100 Thieves star duelist na si Peter “Asuna” Mazuryk na kinakailangan ng mga teams na lumipat sa Texas para magkaroon ng mababang ping sa paglalaro sa mga VCT NA competitions.

Ang karamihan ng mga Valorant Champions Tour competitions ay nangyayari online. Nangangahulugan ito na importante ang pagkakaroon ng magandang ping at solid na connection sa Valorant servers kung haharap sa mga pinakamahuhusay na teams sa North America.

Naniniwala si 100 Thieves Asuna na maraming VCT NA teams ang lilipat sa Texas dahil sa ping

Valorant 100ThievesFullRoster2021
Credit: 100 Thieves

Sa isang exclusive interview, nagtanong ang ONE Esports tungkol sa desisyon ng 100 Thieves na lumipad patungong Texas para maglaro sa GameStop Performance Center ng Complexity Gaming. “It feels like we have really good ping, and everything’s just registering. I’m not that big on ping, but it definitely helps,” sagot ni Asuna.

Naniniwala rin si Asuna na dapat lumipat sa Texas ang mga teams para sa mga susunod na VCT NA tournaments. “I think everyone will be going to Texas, and if they don’t then they’re not trying to win.”

Ang tanging dalawang teams na hindi nakalipad papuntang Texas ay ang Luminosity Gaming at Rise.

“They were underdog teams and this gave them less of an advantage,” sabi ni Asuna. “Mainstream teams were able to do this, and got an even bigger advantage.”

Ang mga mainstream teams na binanggit nya ay ang TSM, FaZe Clan, at ang kanyang sariling squad na 100 Thieves. Ang Sentinels, XSET, at ilan sa mga myembro ng Team Envy ay nakabase na sa Texas simula pa lang ng Valorant Champions Tour season.

Kahit ang pinakamahusay na player sa buong mundo na si Tyson “TenZ” Ngo ay lumipat sa Texas kamakailan para makapaglaro kasama ang Sentinels para sa VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs.

Valorant 100ThievesQualifiesForVCTStage3MastersBerlin
Credit: 100 Thieves

Nakabuti naman ang paglipat para sa 100 Thieves, naipanalo nila ang upper bracket quarterfinals at semifinals matches laban sa FaZe Clan at XSET para makapag-qualify para sa VCT Stage 3 Masters Berlin.