Nagtala ng bagong record para sa pinakamaraming kills sa isang match si Peter “Asuna” Mazuryk ng 100 Thieves, na siguradong tatak sa kasaysayan ng Valorant Champions Tour (VCT).
Ang 17 taong gulang na duelist ay nakakuha ng 48 kills laban sa Version1 sa kanilang opening match para sa VCT NA Stage 3 Challengers 1 Main Event.
100 Thieves Asuna nagtapos na may 48 kills matapos ang 36 rounds sa Icebox

Talaga namang nakakagulat ang stats ni 100 Thieves Asuna sa unang game. Nagtapos sya na may 48/24/6 KDA at average combat score na 387.
Pati ang superstar player ng Sentinels na si Tyson “TenZ” Ngo ay namangha at sinabing si Asuna ay si “John Wick.”
Walang kahit anong special strategies, kakaibang Valorant agent composition, o server issues na naging dahilan ng nakakamanghang performance ni Asuna.
Sadyang inilabas lang nya ang kanyang galling sa pagtutok at movement mechanics para makuha ang mapa sa mga crucial rounds ng overtime.
Naitodo rin ni 100 Thieves Asuna ang kill potential ni Reyna sa pagpili ng mga long-range aim duels gamit ang Vandal.
Matapos kumuha ng entry kill, ginamit ni Asuna ang Dismiss ni Reyna para mag-disengage. Maghahanap naman sya ng bagong anggulo na hindi inaasahan ng mga Version1 players upang dagdagan ang kanyang kill count.
Nanalo ang 100 Thieves sa Icebox 19-17, at pati na rin sa Haven 13-5, na naglaglag sa Version1 sa Lower Bracket.
Susunod na haharapin ng 100 Thieves ang Team Envy

Ang 2-0 na panalo ng team laban sa Version1 ang nagdala sa kanila sa Upper Bracket Semifinal kung saan kakaharapin nila ang Team Envy. Ang mananalo sa laban na ito ay makakakuha ng pwesto sa darating na VCT NA Stage 3 Challengers Playoffs.
Sa kabilang parte naman ng Upper Bracket Semifinals ay ang laban sa pagitan ng VCT Stage 2 Masters Reykjavik champions na Sentinels at ng XSET. Ang mananalo ay makakapasok din sa playoffs.