‘Wag na ‘wag niyong baliwalain si Spencer “Hiko” Martin ng 100 Thieves sa isang professional na Valorant game dahil may kakayahan siyang mag-pull off ng mga matitinding clutch sa laro.

Ito ang nangyari noong nakipaglaban ang North American squad niya laban sa Gambit Esports sa winners’ match sa Group C ng VCT Stage 3 Masters Berlin.

Ang pagkumpleto ni Hiko sa comeback ng 100 Thieves laban sa Gambit Esports sa VCT Masters Berlin 
Credit: Riot Games

Matapos matalo sa unang mapa na Ascent 13-5 laban sa mga winners ng VCT EMEA Stage 3 Challengers Playoffs, naging mahirap ang tatahakin ng 100 Thieves sa susunod na mapa na Icebox, dahil nagmukhang mananalo na ang Gambit Esports matapos manguna ng 9-3 sa halftime.

Nakuha ng Gambit ang lead matapos parusahan ang overextension ng 100 Thieves sa mga ibang parte ng mapa, ngunit nakamit ng 100 Thieves ang imposibleng comeback at pinitas nang isa-isa ang mga players ng Gambit Esports.

Noong nagpatuloy ang pangalawang laro sa Icebox, itinigil ng 100T ang pagsasagawa ng high-risk plays at pinressure ang Gambit sa pamamagitan ng mga atake nila.

Sa tuwing naiipit ang North American team na ito, binabalik ng anchor player nila na si HIko ang 100 Thieves dahil sa kaniyang mga clutch wins. 

Sa huling round sa Icebox, nagawa ni Hiko ang perpektong keep-away game kahit na nasa seven health na lang siya, at nautakan pa niya ang dalawang Gambit players para maging patas ang serye.

Credit: Riot Games

Nagkaroon na ng momentum ang 100T matapos nilang makuha ang Icebox, at nagtuloy-tuloy na ito sa huling mapa na Split at umabot pa sila ng 9-3 sa halftime. 

Lumaban ang Gambit Esports hanggang sa huli, ngunit hindi maitatanggi si Hiko at ang kaniyang squad matapos nila mairaos ang laro, 13-10 sa Split.

Ang 100 Thieves ang unang team na nakapasok sa Playoffs matapos manalo sa dalawa sa kanilang Group C matches. Nahulog ang Gambit Esports sa decider match ng Group C at aabangan nila kung sino ang mananalo sa match ng Crazy Raccoon at Havan Liberty.

Maaring panoorin ng mga fans ang VCT Stage 3 Masters Berlin sa opisyal na Twitch at Youtube channel ng Valorant.